Sunday, November 19, 2006

Nakaraos din...

Natapos din ang debut ni Jobelle nung isang gabi...
Sobrang lufet ng mga pangyayari...

Mukha namang masaya silang lahat sa mga pinag-gagawa ko, bale magkwekwento lang ako sa mga naalala ko ha.

Nung gabi yung medyo kabado nako, bitbit ko ang mga yoyos ko, naka-long sleeves, naka-kurbata, naka-sampay ang amerikana sa balikat habang binabagtas ko ang malalagkit na tingin ng mga matang na may malalapot na pagnanasa. Nakakatawa talaga, patawid ako ng biglang may isang jeep na dumaan na isa lang ang sakay, may lalaking malagkit tumingin, aba amp... Di ko lam kung gusto ko siyang batuhin ng hanger na dala ko kaya inirapan ko siya. Joke. Buti sana kung babae din siya malamang nakipagtitigan pa ako.

Pagdating sa napag-kasunduang lokasyon ng pagkikitaan namin nila Eric at Kathleen, mukhang kanina pa sila nag-aantay sa harapan ng Chowking.

Pagkasakay sa jeep este sa taxi, nilabas ko ang sama ng loob ko kay Kathleen, malamang di ko na itutuloy pa ang tungkol dun. HIWALAYAN MO NA KASI... Ahihihihi... :D

Pagdating sa Sulo Hotel, ok naman yung place... ~.~

Pagpasok namin sa function room, bumalandra sa aking mga malalamig na mata sina Cathy, Josa, Ninya, Bhevz at Anne na siya ding mag dedebut sa Nov. 25 sa parehong lugar kung saan ako ay mag-peperform din.

Wakanangmada talaga, mabuti nalang at wala ako sa table nila Kerwin. Di niyo lam kung bakit? Ahehehe... F.U. Nung nagstart na yung program, masaya! Makukulit yung mga guests, nag-cocooperate lahat, walang KJ, wasak na wasak yung cotillion, may naapakan akong kamay este paa, magulo na masaya at the same time kinikilig ako sa sobrang kaba. Mabuti nalang katabi ko yung mga hotta hotta na magaganda sa nasabing party. Joke. Ayun, mga bagong kaibigan na nagpakalma, nagpalakas ng aking loob para magperform ng makalaglag panty na performance gamit aking matitigas na yoyo! Kung double-meaning para sayo ang huling sentence, hindi kita masisisi.

Pa-singit muna. Bakit nga ba ako nag-peperform ng yoyo? Siguro dahil gusto kong i-please ang mga tao sa paligid ko, gusto ko lagi sila masaya, kahit di ko kilala ayus lang. Alam naman natin na hindi ako pinaka-magaling magyoyo sa Pilipinas at madaming mas magagaling sakin, siguro naging hilig ko nalang ang pag-papasaya ng tao. Di ko kinokonsidera na performer nga ako, akala kasi ng ibang tao na pinag-performan ko ay nagpapabayad ako, minsan nga eh pagkatapos ng mga performance ay bigla akong tatanungin ng mga tao kung magkano ang talent fee ko. May sagot nako diyan, ako yung di nagpapabayad dahil sa mga dahilang ito:

1. Kung napasaya kita o kayo, bayad na ako
2. Di ko kailangan ng pera dahil di ko pinaghihirapan ang mga show
3. Nagkakaroon ako ng pressure sa sarili pag sinabi ng nagyaya sakin na 'babayaran kita', para kasing di ko na ma-eenjoy yung show
4. Di maiiwasang magkamali ako. Minsan lang naman yun. :D
5. Kung babayaran moko, wag pera, pwede mokong paka-inin sa fastfood, sapat na yun.

Ilan lang yan, pero balik na tayo sa kwento ko.

Nung kainan na, medyo hirap akong tumayo, di ako nahihiya pero talagang kinakabahan ako sa gagawin ko, feeling ko kasi pagpumalpak ako sa show ay isa isa akong lalapain ng mga bisita at mare-rape ng sabay-sabay. Takot akong magkamali lalo na sa non-yoyo crowd, mabuti ng pumalpak sa mga yoyo contests (3 times in a row!) kaysa pumalpak sa mga taong nagtitiwalang mapapasaya mo sila, siya at mga bisita at syempre ang sarili kong bait na walang sawang sumo-suporta sa aking naninigas na binti. Pagkaka-kain, sobrang busog, super heavy in heaven ang pakiramdam pare. Sa totoo lang pag busog ako ganado ako mag-yoyo, kumbaga sa ibang tao ay trip mag-yosi pagkatapos kumain, ako naman nagyo-yoyo. Siguro advantage ko yun para sa nasabing show. Naka-ubos ako ng 4 na basong tubig at 1 baso ng iced tea, resulta ay 5 beses na pabalik-balik sa toilet. Feeling ko kailangan na akong itakbo sa ospital, nauubusan na ako ng pawis sa sobrang tensed, kulang nalang umuwi na ako at magtago at di na magpapakita kay Jobelle. Pero di nangyari yun, salamat kay God at binigyan niya ako ng lakas ng loob.

Nung nagstart na yung talent showcase, nag umpisa nanaman ang pagtayo ng aking balahibel este balahibo sa braso, ramdam ko yun kahit naka-long sleeves ako. Di ka ba naman mababadtrip, yung una't pangalawang magpeperform ay sira yung mga cd's! Ako kasi yung naatasan na 3rd at huling magpeperform. Paano ba yan? Wala ng atrasan kumbaga sa sundalo, nasa battlefield na ako ng mga taong na-wiwirduhan ko anong gagawin ko, mga taong nag-eexpect ng saya, mga taong magpapasaya sakin kung ako'y kanilang papalakpakan.

Pagkatawag sakin, dinala ko yung upuan ko, bag na puno ng yoyo at sarili ko na kanina pa nahihiyang tumayo, mabuti nalang nakisama. Tulad ng dati ginamit ko parin yung paborito kong tugtog sa mga show na di ko iri-reveal ang title. Pero nilagyan ko ng twist, dahil nag-eedit ako ng audio, nilagyan ko ng konting arte, kaya yung start ng show, may patanggal tanggal pa ako ng coat na labis ikinasaya ng lahi ng kababaihan. Joke. Basta, dun palang tuwa na sila then tumalikod ako just like my previous routine. Masasabi kong walang sablay sa Single A, except sa Freehand dahil diko akalaing sasayad yung counterweight sa kisame, sablay yung Aerial pero masaya parin sila at higit sa lahat. Ako. Kung di mo naintindihan yung last sentence, di kita masisisi dahil hindi ka naman nagyo-yoyo.

Sa Offstring naman, inaamin kong may 3 o 4 akong sablay pero bawing bawi ko yun. Wahahaha!

Nung natapos yung performance, grabe yung sigaw nila, 4 beses po akong nag-bow na 5 seconds ang bawat isa! haha! Madrama pakinggan pero muntik na akong maluha!

Pagka-upo ko syempre puro papuri sa mga katabi ko, salamat talaga sa mga pampalakas ng loob. Tumaas kaya yung pogi-points ko kay... ^.^


Nakakatuwa yung mga reaksyon ng tao sakin, siguro akala nila di ako tao at pang-alien ang lenggwahe ko. May mga lumapit, may kumindat (yes, babae siya!), may tumaas ang noo bilang pagbati, may tumapik ng likod ko, may kumurot ng pwet ko sa left side, may umapir at may ilan-ilan ding kuma-usap. Natuwa pa ako sa sabi ng Lolo ng debutante, " Alam mo, konti nalang pwede kana sa Las Vegas, '' Aba, gusto pa yata niya kong sundan si Pakyaw?! Biro lang.

Eto ang pinaka-malupit sa lahat. Nung matapos kong ubusin ang chocolate mousse sa likod ng table ng food na ninakaw ko sa mga caterers at sinabing "ok lang po, kunin niyo na,"... Caught in the act pero pwede naman, loko talaga ako. Yun, pagkatapos kung ubusin yung cake, niyaya ko si pareng Eric sa labas ng hotel, masarap kasi yung simoy sa madaling araw. Nagyoyo ako malapit sa entrance, may mga lumalabas na tinanong pangalan ko at kung anu-ano pa.

ETO NA! Meron kasing maganda dun sa party, Filipina beauty, naka-tayo sa entrance tapos marahang sumisilip, gusto ko sanang kausapin pero MAS MAHIRAP KUMAUSAP SA BABAENG DI KILALA KAYSA MAGPERFORM SA 900 na katao! Matapos ang ilang minutong pakiramdaman, nagyoyo nalang ako, lumabas yung mga kasama niya mukhang si mommy este si mommy niya at pinapanood ang aking mga kamay. Habang nasa kalagitnaan ako ng yoyo trick na tinatawag na thumb grind ay may boses na tumawag sa aking atensyon, ang boses na yun... Boses ni mommy NIYA.

Mommy (ata niya) : Excuse me!
JLongboy (ako ata): Um, ano po yun? :p
Mommy: Nagsho-show kaba sa mga birthday?
JLongboy: Ah, opo, pero di po ako yung performer na di nagpapabayad.
Mommy at mga kasama: HA?! Dapat nagpapabayad ka! Ang ga___ ga___ mo eh!
JLongboy: Ah, ganoon po talaga ako eh.
Mommy: Ok, di bale, kukunin ko # mo at may budget ako para sayo!
JLongboy: (binigay ang number sa kanyang anak na labis kong ikinatuwa) :D
Mommy: Oh sige, itetext nalang kita ha!
JLongboy: (nakatingin sa anak) Text moko ha!
Anak: Pa-confirm ulit ng #
JLongboy: (loko ay di tiningnan ang # at tiningnan ang mga mata niya) Ah, oo tama...

at umalis na sila... kasama ang maaring maling numero na king selpon.

Pagkatapos ng party, pumunta ako sa mga nagliligpit ng pagkain. Bumuraot ng cake. :D
Matapos yun pinatakbo ang kotse hataw sa pagpalo ng 100 sa Philcoa hanggang Tandang Sora, nagka-yayaan sa Starbucks... at binagsak namin? 7 Eleven sa Tandang Sora! Walang hiya, mabuti nalang may Blue Pepsi Slurpee sila kaya pwede na rin. One tall slurpee please! lol!
Tapos dumerecho kami sa bahay nila Jobelle. Nag ____, nag kape, kumain ng salad, uminom ng unlimited Coke at masarap na kwentuhan with Mama Jun! Namiss ko siya! Nakakatuwang pag-usapan ang mabilis na pagdaan ng panahon... Sayang yung Colt45 na hindi nabuksan.

MADRAMA ANG SUSUNOD NA MGA PANGUNGUSAP :

Badtrip isipin na ilan sa mga kaibigan kong matalik noong grade 1 to 4th year na ang ilan ay buntis, may anak, may tatay man o wala, wala din akong pakialam. Nakakalungkot lang isipin na may mga sadyang nagmamadali sa kapalaran, sila na kasama kung nangarap, naglaro ng habulan, kasabay magbihis ng wala pang malisya noong maliliit pa kami. Nakakatuwang nakakapanghinayang. Tinapos ko ang habulan nang nag-iisa.

-JLongboy

pics will be posted soon.

EXCITED NAKO SA DEBUT NI ANNE!!! ~.~

0 comments:

Post a Comment

<< Home