Saturday, August 18, 2007

Pighati?

Pighati. Nag-umpisang dumaan sa isip ko ito nang nag-iisip ako ng konsepto para sa susunod naming short film.

Pero di ko muna ike-kwento yung konsepto. Ipapanood ko nalang pag natapos na.

Ngayon, naisipan ko ulit mag-blog. Madami nanaman kasing rumaragasang kwento, konsepto at bumabagabag sa munti kong paraiso. Paraiso? Wala nun. Munti? Meron, maraming munti sa mundo. Walang pag-asang umahon. Habang buhay ng munti. Wala ng pagkakataong umiwas.

Naiinis ako pag nakikita kong nagpapaka-tanga ang karamihan. Naniniwala sa mga bagay na gawang-tao. Mga nagpapa-alipin sa sariling bait.

Dahil hangad nila ang MUNTING PARAISO, ang lugar kung saan ka malalagi para ibsan ang sakit ng nakaraan. Sakit ng lipunan. Pinangako sa iyo. Pinako sa isip mo.

Sa oras na ito, matagal ko ng binunot ang pakong iyon. Di lang dahil kinakalawang na ito...

Kung hindi dahil malaya na ako sa mga makapangyarihang sumasakal simula ng pinanganak ako. May tinakda daw katungkulan, may tinakda daw ipagmalaki, may tinakda daw i-alay.

Pighati? Baboy? Nasaan ang pangako? Kainin mo ang baboy, wala na ang kalahati.

- JLongboy

Saturday, July 07, 2007

Remedial Class.

Ito ay base sa aking panaginip. Kwentong bumbero. Aking imahinasyon.

--------------------------


Nakatulog nanaman ako sa classroom, ang sama ng pakiramdam ko. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko pero di ko maingat ang ulo ko sa nangangawit kong braso. Pagtingin ko sa prof ko, pinuna niya na punasan ko ang pawis kong noo. Madalas kong tanungin ang sarili ko na baka palabasin niya ako ng room. Mabuti di niya pa ito napapansin.

Mabait ang prof ko, siya si Mr. Geraldo Obet Domingo. Siya lang prof namin sa buong unibersidad. Kengkoy si Sir, mapaglaro, pero pag nagseryoso eh parang gugunaw na ang mundo. Madalas din siyang sambahin ng karamihan dahil sa angkin nitong talino.


Ang section namin na napabilang ako ay para sa remedial class na ito ay para daw sa mga kabataan na nawawalan na ng pananalig o paniniwala sa nilikha. Karamihan sa klase na ito ay mga hindi halatang nawawalan ng pananampalataya, yung iba mga mahinhin, matatalino, masipag mag-aral, mga tahimik sa klase, ang iba ay matatanda na. Kailangan daw kasi nila ang subject na ito para matuloy ang M.A nila. Para saan ba talaga ang subject na ito? Bakit alam nila na hindi na kami sumasapalataya?

Nakatabi ko klase si Ziggy, katulad ng iba sa klase ay hindi siya naniniwala sa relihiyon. Bakit kaya siya nauwi sa ganoong desisyon?

Nagtanong si Sir, o tawag ng iba, na si Sir G.O.D, "Bakit di kayo naniniwla sa diyos? O bakit o papaano nawala ang paniniwala niyo?"

Biglang may pumasok sa klasrum, kakilala pala ni Sir. "Hay, sa wakas at dumating ka na din, medyo dyahe na kasi eh. Di ba sabi ko agahan mong dumating?"

Emo ang hairstyle ng pumasok na lalaki, medyo malaki ang katawan, yung print sa shirt niya ay may puso na design. Sa bandang gitna. Siya si Chris Toh, nakakabadtrip yung ayos ng buhok niya at eyeliner. At pinakakilala na siya ni Sir G.O.D, "Oh class, siya ang tutulong sakin na ipaliwanag sa inyo ang kahalagahan na ispiritwal nating buhay para sa sarili niyo, para din ito sa kabutihan niyo."


"Mas mukha pa ngang walang relihiyon samin yan eh..." bulong ng isang dalagitang cheerleader sa likuran ko na medyo malaki ang boobs.


Palibhasa ay inaantok pa ako ay ngayon ko lang napansin ang text message sakin mula sa kaibigan kong Chinese na si Sun. Sabi niya sa mensahe ay "Hey, I am here at the back... ^^", pag lingon ko ay kumakaway siya sakin, kaya nag-reply ako "Nice to see you, so hows the subject?"


Sumagot siya, "The professor is asshole, I dont need any religion, I'd rather fart in front of you guys rather than taking this subject."


Natawa ako pero hindi ko na nireplayan, hindi nga pala ako nakapag-unlimited. Pero may nagtext na naman sa akin, "Hey dude, open your Bluetooth, i want to share some new porns, i know you love Japanese! Fuck the prof! He sucks!", at ang kaibigan ko ding Intsik na si James na kababayan ni Sun.


Hinanap ko siya sa paligid, ayun, naka-upo pala sa gilid. Naka-ngiting manyak, binuksan ko na ang Bluetooth ko.


Maraming sinasabi ang prof pero wala na akong pakialam, tutal naman mukhang ipapasa niya kami kahit walang gagawin sa klase. Ikanga, BONUS STAGE ang subject na ito. Madali namang sabihin pagkatapos ng semester na naniniwala na ako sa diyos, tapos medyo iiyak ng konti para mas dramatic. Tapos konting hikbi pa para mas kapani-paniwala. Iniisip ko kung isa samin kunwari ang mahihimatay. Para mas epektib, uno agad kami nun.


Madaling sabihin na naniniwala ka, may iba naman na ipinamumukha sa lahat na naniniwala sila, may iba naman na tahimik pero malakas ang pundasyon sa diyos. Pero minsan mahirap sabihin kung sinsero nga ba ang isang tao. Madali tayong maghusga.


Nagtext na naman si James, "Fuck, cant understand anything from him, cant he see that there is a foreign student in here?"


"Show him your longest finger man, big time!", sabi ko.


Nakakabagot, parang makakatlog na naman ako, wala man lang ganado mag-recite sa kanya. Napansin ko ang mga kaklase ko na taimtim na nagtetext at nakikinig sa kanilang mga iPods.


"Sir, pwede po ba malaman ang religion niyo?", tanong ko.


Tiningnan ako ng mga kaklase ko na parang may masama akong ginawa. Nakumpleto na pala yung Bluetooth na nasend ko at nagpaplay na pala yung video, naka-high pa ang volume. Pero hindi naman yata dahil dun kung bakit ganoon ang tingin nila sakin.


Lumapit si Sir sakin, "Kabilang ka ba talaga sa klase ko?", habang hawak ang kanyang seat plan.


"Sir, hindi po...", sabi ko.


"At bakit nandito ka?"


"Kasi hindi ako naniniwala sa diyos, nagpa-sched na ako kay kuya Ferds pero hindi na daw kasi ako kasya sa block na ito..."


"Ah, ganoon ba... Lumabas ka dito."


"Opo...", kinuha ko ang bag ko at binutones ang dulo ng polo ko.


"Pero sir, bago ako umalis, may tanong po sana ako sa inyo ni Chris."


"Sige, ano yun?", banat niya na medyo aburido.


"Eh Sir, bakit yung ibang tao sa ibang bansa? Wala silang relihiyon, di nila kilala ang diyos, bakit maunlad sila? Papaano sila matutulungan para makilala ang diyos? o dapat pa ba nila ito makilala? Hindi ba't ginamit ang relihiyon para masakop ang ibang bansa noon? Ginamit na kasangkapan ng relihiyon ang mga tagasunod nito para sakupin ang iba... Ano naman ngayon kung walang relihiyon ang isang tao? Gusto ko sana ihalimbawa ang bansa sa Asya, naka-focus sila sa pag-aaral, pamilya at pera. Pero hindi dahil dun ay masasama sila, alam nila ang tama at mali, hindi nila kailangan magpaka-subsob sa relihiyon para tawaging ganap na tao... Dibisyon lang ito ng mundo patungo sa..."


Sumabat si Chris, "Magkita tayo later..."


"Saan po?", sagot ko.


"Hanapin mo sa Morayta, maglalaro tayo ng table tennis..."

Friday, June 01, 2007

Jollibee is everywhere.

Kung kahit saan ay may Jollibee branch, di ka magtataka na kahit saan ay makakakita ka ng Jollibee. Paglabas mo lang ng subdivision namin ay bubulaga na sayo ang malaki at mapulang pwet ni Jollibee.

Pero si Jollibee mismo? Ramdam ko siya... Kahit saan ako pumunta ay nararamdaman ko ang kanyang gabay at presensya.

Kung nagtataka sa ibig kong sabihin ay nitong nakaraan lang ay bumuli kami ng pirated na DVD sa aming suki sa may Recto at naiisipan ng kaibigan kong si Brian na bumili ng ROME.

Ako naman ay bumili ng Japanese movie na Sukeban Deka na tungkol sa babae na yoyo ang armas laban sa masasama. At cute ang bida.

Mabalik tayo kay Jollibee, nang nasa FX na kami ay tiningnan ko ang DVD na bili niya ng ROME at ito ang gumulantang sa akin.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hanapin mo si Jollibee. Back view.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Front view. Medyo malapit.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Another shot. O ha! I-analyze


Ok, ang point ko lang ay nakakapag taka na sa dami dami na pwedeng ilagay ay si Jollibee pa.


Oh baka naman unti unti na nila tayong sasakupin? Baka bawat branches pala nila ay kanilang base para madaling masakop ang Pilipinas?


At syempre, tumatakbo ang imahinasyon ko.

OUT!

Tuesday, May 22, 2007

Kwentong Salon.

Nagkaroon ka na ba ng ka-isa-isang taong ipanagkatitiwala sa iyong buhok?

Pwes, ako? Oo, pero takte naman, pagkatapos kong magpagupit ng 2 beses sa kanya ay mukhang nasisante na siya sa nasabing salon.

Naalala ko pa noong una dahil minamasahe ako ng isang stylist habang inaantay ko daw si 'Joey', sa sarap ng masahe ay inabutan pa ako ng FHM at naisipan kong magbasa muna. Pero napansin ko na may isang maskuladong lalaki na gumugupit sa tabi ko ang sipat ng sipat sakin.

Inisip ko na baka na distract siya sa magazine na binabasa ko. Hindi pala, siya si Joey.

Noong una eh maiisip mo na isa siya sa nawawalang miyembro ng Cueshe.

Tinanong ako: "Boss, anong gupit?"

Sabi ko: "Ikilian mo ng husto, nipisan mo na din"

Di siya kumibo at pakiramdam ko ay ang gunting na ang sumagot sakin, mabigat ang kamay niya at talagang naalog ang ulo ko sa rahas niya mag-gupit gamit ang 'bunging gunting" na nakalimutan ko ang tawag. Pagkatapos ay iniwan niya ako at pumunta sa ibang customer, walang abog-abog na iniwan ako.

Tapos na pala, pakiramdam ko ay bitin, parang mas matagal pa yung pagtingin ko sa katawan ni Iwa Moto kaysa sa gupit sakin. Medyo duda ako na ginupitan ako. Pagka-shampoo at pag-upo ko ulit ay nakita ko ang napakagandang gupit! Takte, parang magic!

DYUSKO LORD! teka, doble ba?

Sabi ko sa sarili ko, ito na ang magiging 'stylist' ko poreber! At matapos ang tatlong lingo ay bumalik ako, ganoon nanaman ang nangyari, mas matagal pa ang paglipat ko ng pahina ng FHM kaysa sa gupit. Mabilis at malinis.

Pero nitong nakaraang buwan ay bumalik ako, pagpunta ko sa frontdesk nila na parang sa himpilan ng pulis, ito ang nangyari:

Ako: Miss, hair cut lang.

Miss na may exposed na *tooot* : Sir, sino pong stylist nila?

Ako: Ah, nakalimutan ko name niya, basta lagi siyang naka-pula at parang nawawalang miyembro ng Masculados. (Malimutin ako sa pangalan)

Miss na may malaking *tooooot*: (May inabot na parang class picture) Ahihihihihi!!! Sir, paki-tingnan po dito sa picture kung sino dito.

Ako: Eto! Oh, bakit walang ulo sa picture?! Patay na?

Miss na may *bull bar*: Ah Sir! Si Joey? Ah, wala na po siya dito eh.

Ako: Nasaan na siya?!

Miss na may *bagpack sa harap*: Ah, hindi po namin alam eh.


Habang nangyayari ang pag-uusap ay may ilang stylist ang maganda ang ngiti sakin.

Umatras na ako.



Kaya please naman David's, ibalik niyo na ang wrestler na yun!

kaya ko naman ito kinekwento ay sabay kaming nagpagupit ng SPECIAL SOMEONE ko, hehehe... At ok naman ang gupit samin. Galing! kaya baka dun na ako palagi magpapagupit.


At paalam na pareng Joey, isa kang alamat.

-JLongboy

Sunday, May 20, 2007

Mga litrato na bihira mo lang makikita. Hah!

Mga litrato na kinuhanan ko nitong summer classes, alam niyo naman ako na kahit maliliit na bagay ay napapansin ko. Pero uunahin ko muna ang isang note na nakalagay sa toilet ng isang karinderia na kinakainan namin sa Lerma. Grabe, lakas ng impact!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Translation:

"PANATILIHING MALINIS ANG PALIKURAN."

Next!








Ito naman ay nakita ko sa tricycle.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket



TRANSLATION:

"MGA P*****-**A NIYO! FINDERS KEEPERS! LOSERS WEEPERS!





Ayun, next topic please...

-----------------------------------------------

Dahil gusto kong i-share kung ano ang itsura ng Chinese Yoyo... Eto...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Laki no? Oo.. Alam kong wala kang pakialam. Pero bago ka umalis sa site na ito ay hulaan mo kung ano itong susunod na picture.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

WAG MAG-ISIP NG MASAMA. Maari ay sumagot sa "papalag?" link para mag-comment o kaya sumagot sa chatbox sa left side ng mirror mo.


Tinotopak ang Photobucket, kainis.
-JLongboy

Saturday, May 12, 2007

Ang kape nga naman...

Nagka-kape ako sa canteen ng aking hamak na unibersidad at binuksan ni manang ang telebisyon. Hinhalo ko maiigi ang kape ko... Hinalo ko ng hinalo...

News ang palabas pero may siningit na Pinoy Big Brother sa news at pinakita ang saglit sa loob nang nasabing ‘bahay’. Dahil sa pagka-inosente ko nasabing palabas ay nagkataka kung bakit may foreigner na nakabihis ng traditional dress ng mga Pinay noong panahon ng mga Kastila. Tapos ay lahat sila ay sumasayaw sa isang ‘jingle’ kahit antok na antok pa sila. At biglang nag-commercial break at saktong campaign ad ng isang tumatakbong senador ang pinalabas.

Dahil nga napag-aralan ko ang advertising ay may ideya ako kung gaano na kalaki ang nagastos nila sa radyo, telebisyon at print. At sumahin pa natin ang mga hayop na posters. Mukha na tuloy mummy yung mga poste eh. Isipin mo, ang kakapal ng mukha nilang ilagay ang mukha sa sangkaterbang poster na pwede ng takpan ang kalahati ng Pilipinas.

Isipin mo, kung susumahin mo ay limpak-limpak nang salapi ang nagastos nang mga kandidato natin lalo na sa mga tumatakbong senador. Marahil ay pwede na nilang bilhin ang Pilipinas kung pagsasamahin lahat ng gastos nila.

Ngayon marahil ay nagtataka kung anong kinalaman ng Pinoy Big Brother sa Eleksyon?

Eto ang ideya ko, paano kaya kung yung mga tumatakbong senador ang ilagay natin sa loob ng bahay ni ‘Kuya’, malamang eh panoorin yan ng buong bayan, at marahil ay papanoorin ko yan!

Sa ganoong paraan ay makikita natin ang totoong kulay nang mga ito. Kung sino ang matakaw, pala-mura, madaldal, ang hindi talaga matalino at bihirang maligo.

Kung sino ang maarte, hindi marunong mag-saing at hindi marunong makipag-kapwa tao.

Hindi natatapos yan diyan, matapos kung humingi ng tulong sa mga kaibigan kong nanonood ng PBB ay dapat ding pasayawin ang mga feeling senador sa sarili nilang jingles sa loob ng isang araw. Kung alam lang nila kung gaano na akong sukang suka sa mga jingle nila. Para naman ma-umay sila sa sarili nilang pangalan.

Tingnan natin kung mabubuhay sila ng walang goons este bodyguards sa tabi nila.

At oo nga pala, tuwing gabi ay magkakaroon ng debate ukol sa mga balak nila, makikita din natin ang pagkakaiba ng pananaw ng mga pulitiko.

Sana ganon nga, kung nangyari ito ay wala silang TV, Radio and Print ads diba? Edi ang linis pa ng kapaligiran diba? Tipid pa sa gastos dahil ang dapat lang gawin ay magpakatotoo sa harap ng camera, ang mata ng madla.

Oo nga pala, may tanggalan dun diba? Edi lahat ng magsasabi ng salitang ‘PANGAKO’ ay maalis ng ora mismo!

Sa mga lokal na kandidato naman, magpatayan na kayong lahat para wala ng matira ni isa sainyo.

UMAYGAD, wala na akong magawa.

Monday, April 16, 2007

Kwentong FX, probably the final chapter.

*bwahahahaha! ang paghihiganti! ahihihihihihi!*

Habang binabagtas ko sakay ng matinong pampasaherong Toyota Revo ay namataan ko ang FX na kasumpa-sumpa sa lahat. Nakasakay ako sa harapan kasama ang kaklase ko at nalaman ko nasakyan na din pala niya ang sinumpang FX na magtatakda sa ating lahat na magpaypay ng walang humpay.

Nagulat lahat ng sakay nang bigla akong napahiyaw, akala nga yata nila ay nagdiklera ako ng holdap. Medyo natuwa sila sa enthusiasm ko na makakuha ng picture ng nasabing FX. Hindi ako binigo ng cameraphone ko at sunod-sunod ang kuha ko na parang SLR ang dala ko.

Na-curious din si manong na katabi namin at tingin din ng tingin sa Vehicle From Hell. (Itago nalang natin sa tawgang 'VFH666'. Di yan plate number.)

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
"Kawawang mga pasahero are!!!"


Ayon kay manong ay sira na daw ang ahhh… basta part ng sasakyan kung kaya’t ganoon. Mayroon din daw siyang pinasada na ganoon dati at imbes na dalhin sa kalsada ay iniwan na nya lang sa operator dahil di niya daw maatim na magreklamo ang pasahero. Saludo ako kay manong kung kaya pala kay lamig ng kanyang Vehicle From Heaven (VFH)

Dahil sa pagiging patas na mamahayag ay aking tinakpan ng spraypaint gamit ang MSPaint ang nasabing plate number upang ma-protektahan ang pribadong aspeto ng buhay ng may-ari at drayber. Pero kung gusto niyong malaman kung ano ang plate number o kanyang ‘Taxi Name’ o whatever you call it ay di ako magdadalawang isip ibigay sayo.

AWANG-AWA ako sa mga sakay ng FX, malamang lahat sila ay nagmamadali kung kaya’t pinagtiyagaan nalang ang VFH666 kahit kasing itim ng gulong ang budhi ng sino mang may-ari nito. Di manlang ipaayos o kaya eh mahimlay sa pinaka-malapit na junk shop.

Oo, naghahanap buhay nga naman si manong Satan pero parang pang gugulang na din yun diba? Alam kong dumaan sa isip mo na baka ang sama-sama ko, pero sa tingin ko ay tama lang na ipahayag ito, nakita ko ang mga pasahero na todo paypay sa kanilang mga sarili, nakita ko ang sarili ko. Kawawa yung isa sa likod na may kasamang bata. At bago kayo ma-excite ay eto na ang mga pictures.

Gumamit ako ng Adobo Puto Shop sa pag edit ng picture.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Target locked. Introducing the VEHICLE FROM HELL!




Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Impyerno FX. At bukas ang mga bintana, tapos AIR CONDITIONED?! lol.




Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Featuring the driver! Its Satan!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mukhang pwede na akong maging undercover o kaya masali sa Imbestigador o XxX!



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayus yung gulong pero di mapa-ayos ang a/c? badtrip!


Natupad na din ang pangarap kong tapusin ang Kwentong FX. Pero malay natin, baka bukas ay may masakyan nanaman ako.

Astig din at kahit paano ay nakuhan ko pa ng picture ang VFH.

*BOW*

Wala na akong masabi, nasa picture na lahat.

Pero malay natin, baka may kasunod pa nga ito...


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

- JLongboy.

Saturday, April 14, 2007

Nang ma-high blood ako sa substitute professor. (Aking opinyon)

First day ng klase ng summer.

Ok yung prof namin, mabait, medyo duda kami sa kasarian niya ngunit hindi ito nakaka-apekto kung sino siya. Magaling siya magturo at hindi ganoon kahihirap ang binigay niyang mga activity. Medyo nakakatakot lang boses at muscles niya.

Second day ng klase.

After 15 minutes at kung wala pa ang prof niyo ay pwede nang lumabas ng classroom. Pero habang nagbabalak na akong lumabas ay biglang pumasok ang isang matandang babae (60's) at biglang tinanong kung sino ang prof namin at sinagot naman ito ng kaklase ko.

Biglang bumanat ang matanda na tipong sarcastic dahil kulang ang nasabing pangalan ng kaklase ko. Medyo nagdilim ang paningin ko dahil kahit sino yata samin ay imposibleng maalala at masabi ang pangalan dahil sobrang hindi common ang apelyido ng prof namin. Nayabangan ako sa matandang yun at siya pala ang prof namin sa araw LANG na iyon.

Nalaman ko na substitute prof lang pala siya, ayoko siyang tawaging prof kung kaya't itago na lamang natin siya sa pangalang, HUKLUBS.

Oo nga pala, ang sipag ng prof namin no? Absent agad?!

Oo, mahina nga ako sa math, ganoon din ang ILAN sa mga kaklase ko kung kaya nga kami nagsa-summer para balikan ang naiwanang subject. Pero imbes na i-motivate kami eh parang binabaon pa kami paibaba.

Nag-init talaga ang ulo ko ng sabihin niya ito.

"Dapat pala hindi na ako gumising ng maaga kung alam kong mga TANGA ang tuturuan ko..."

Aba! Anloko! Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganyan sa isang GURO. Mabuti pa sanang sabihan ako ng tarantado o gago at kung magulo man kami sa klase eh. Pero hindi eh, tahimik kaming nagso-solve ay biglang lumabas sa bibig niya yun.

Pumasok sa isip kong tumayo at ipamukha sa kanya na wala siyang kwenta, hindi siya kagalang-galang! Para niya na rin kaming tinapon sa mainit na mantika habang nakagapos. Pero pinili kong magmaktol sa upuan ko. Syempre hindi lang naman ako ang napikon sa amin pero dahil nga summer classes ito ay ayoko ng gumawa pa ng ikakapahamak ko.

Labas pasok siya sa klasrum, isang beses ay umupo na siya at sinabihan na naman kaming 'tanga'.

Habang sinasabi niya yun ay tinuon ko ang mata ko sa kulubot niyang mukha. Nginisihan ko siya, binuksan ang videocam ng cellphone upang antayin ang pagsabi niya ng 'magic word'.

Pero hindi na ito nangyari dahil mukhang nakaramdam si Huklubs.

Ito lang masasabi ko, minsan kong pinangarap maging professor at lagi kong tinatak sa sarili ko na hindi kahit kailan man ay huhubaran ko ang kumpyansa ng mga magiging estudyante ko. Imbes ay suotan sila ng baluti na tinatawag na 'lakas ng loob' para iharap sa tao.

Hindi yung mahina ka na nga ay binibigwasan ka pa sa sikmura.

Eto na ang punto ko.

Para sakin ay WALANG KARAPATAN maging guro ang sinumang katulad ni HUKLUBS.

Tanggap ko na may ibat-ibang klase ng prof sa mundo. Merong terror, adik, kaya ng estudyante at anu-ano pa.

Ayos lang yun eh, pero kung madumi na nga ang damit eh nilabagan mo pa.
Wag sana natin yurakan pa ang mga estudyanteng pinipilt bumangon sa bangungot na itago nalang natin sa katawagang 'kapabayaan' at ngayong lumalaban kami sa katamaran ay sana naman maging sensitibo kayo.

Paano kaya kung sabihan ng guro ang anak mo na:

"ANG TANGA TANGA MO! Ahihihihi!!! Sabihin mo sa nanay mo sinabi ko yun sayo ha!"

Matutuwa kaya si Huklubs? Malamang hindi.

badtrip lang madinig ito sa 2nd day ng klase. totoo naman diba?

Isa nanamang professor na walang passion sa pagtutro. Sahod lang ang habol. Walang pakialam sa nararamdaman ng estudyante niya.

----

Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ng paborito kong prof.

" Alam mo, hindi ko kinoconsider na prof ako na parang mas mataas ako sa estudyante ko. Pantay pantay lang tayong lahat dahil meron kayong bagay na hindi ko alam at hindi ko din kayang gawin at ganun din naman kayo sa akin. At pag naramdaman ko na prof na ako at mas mataas na ako sa inyo, ayoko nang magturo... "

Hindi ko naman sinabi na ganyan ang gawin lahat ng prof pero bigla ko itong naalala noong oras na niyuyurakan kami. Sana nagets niyo yung point nung linya sa itaas. Noong sinabi niya sakin yan ay dadalawa lang kaming naglalakad pabalik sa kabilang building at aminado akong tumaas ang respeto ko sa kanya at maging sa akin sarili. Dumaan sa isip ko na maging prof.

At bilang lang ang mga totoong guro. At salamat sa mga totoong guro na walang sawa na humuhubog sa mga estudyante ngayon.

At hindi karapat-dapat tawaging guro si Huklubs.

- JLongboy

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
miss ko na talaga ito...

Saturday, April 07, 2007

Friendster is soooo precise...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Hmmm... Nice feature... Medyo malabo kaya click niyo nalang to. :

http://i6.photobucket.com/albums/y236/JLongboy/PRECISE.jpg


Kalkulado bawat segundo. ay lab et.

-JLongboy

p.s

SUMMER CLASSES NA! WOOOT.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
I <3 HSPIN Ladies.

Thursday, April 05, 2007

Katamaran. Sampal sa bayag ito.

Kung meron isang bagay na gusto ko maalis sa pagkatao ko, iyon ay ang katamaran.
Sa totoo lang ay tinatamad ako mag type sa ngayon.

Ewan ko kung bakit pero noong elementary ay masipag naman ako mag-aral, sa totoo lang ay honor student ako dati, hindi naman sa hindi na ako masipag ngayon, kumbaga sobrang enthusiastic ako noon, ngayon ay hindi na.

Katamaran, isa sa mga dahilan. Kahit anong motivation pa ang gawin ko para hindi ma-late o para gumawa ng isang activity sa klase. Isa sa mga motivation na ginawa ko sa sarili ko ay pag-alarm ko sa cellphone ko, anong bago dun? Eto...

Nilalagay ko yung pangalan ng crush ko sa 'alarm' para mag nagising ako ay yun ang mababasa ko, tapos bigla na akong magmamadaling pumasok para makita siyang dumaan sa building namin. Ang weird diba?

Pero kahit sino pa yatang babae ang ilagay ko sa 'alarm' eh talagang di maiiwasang ma-late talaga ako. Minsan naman ginagalingan ko nalang sa isang klase kasi nandun yung crush ko.

Mahirap ganahan mag-aral, dahil sa dami ng distractions sa paligid. Pero kahit ganoon ay nakaka-1.5 pa naman ako sa class card. At sinusumpa ko ang NSTP, ang kaisa-isa kong bagsak. Bakit? Kasalanan ko. Tamad.

Kung tutuusin mo, kung hindi siguro naimbento ang salitang tamad, may tamad kaya ngayon?
Malamang oo, malamang wala. Kasi isipin mo nalang kung ganito :

Nanay: Anak, tulungan mo nga ako sa paghahanda ng hapagkainan.
Anak: Mamaya na ma... Kasi... Ano ba.... Ahhh...
Nanay: Ano?! Halika nga!
Anak: Teka, may gagawin pa pala akong assignment!

O diba, napaka-gandang buhay! At least mababaling natin ang sarili natin sa ibang bagay tulad ng school activities!

Pero malamang, hindi rin. Kung hindi ba naimbento ang salitang 'sex' edi wala ring magse-sex?

Malabo ang mundo, minsan talaga kahit anong tulak ang gawin mo sarili mo ay may pilit pa rin na humihila sayo, pero ang totoo ay nasa satin na yun. Kung wala kang magawa, talo ka.

Ngayong summer ay kinakailangan kong kunin ang mga back subjects ko, ngunit walang open na subject kundi ang Math (ang malas!), kaya minabuti ko nalang kumuha ng advance subjects tulad ng Soc Anthro at Rizal.

Aminado ako, mahina ako sa Math, kumukuha pa nga ako ng tutor noong high school every periodical exams. Naduduwal ako pag nakaka-kita ng numbers, variables at kung anu-ano pang mga numerical symbols. Noong last sem, di ko naipasa ang Math1 ko dahil sa labis na katamaran. Kokopya na nga lang ng sagot sa kaklase ay kinatatamaran pa. Kaya ngayon ay pagbabayaran ko ang di-wastong pag-uugali.

Kaya ngayong papasok na ang third year, iniisip ko, dahil sa labis na katamaran ay mukhang forever nasa free section na ako. Walang sariling kaklase, ka-grupo, karamay at ka-production. Walang permanenteng mundo, mabubuhay mag-isa kasama si Park. lol.

Sa totoo lang, gustong gusto kong maging 'Free-Sec' kasi halos lahat kakilala mo, bawat isang section may ibat-ibang kwento, katalinuhan, kaalaman, hamon at pinag-dadaanan. Masarap mapabilang sa madaming mundo, madami kang pagpipilian at matutunan.

Pero ngayon, third year, kailangan ng kakapit at kabisig sa bawat plano at kakaharapin sa bawat grupo na sasabak sa matinding pressure at stress. Pero gusto ko din ang mapag-isa, pero hindi sa ganitong paraan.

Do I have the balls to survive? - Oo, wag lang akong babayagan.

Nasa Masskom ako, di ko alam kung kakayanin ko ang free section ngayon, walang problema ng second year eh. Pero dahil nandito na ako, wala na akong magagawa pa. Pero hindi pa sure na magiging free sec nga ako 'forever' pero ganoon pa man ay handa na ako. Salamat din sa mga third year at fourth year na free na umaalalay at binibigyan ako ng gabay kung anong pwede kong daanan sa pagiging 'isa'.

Dumating na ang oras ng paghuhukom. Wala nang oras tamarin pa.


Joseph Longboy po, para sa darating na eleksyon. *bow*


- JLongboy.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

sepia... oooohhhhh....