Friday, December 01, 2006

Debuts and pics, kwentuhan, addictions.... and QTV guesting...

Tulad nga ng nasabi ko sa nakaraang post ko, tapos na yung debut ni Jobelle, maging yung kay Anne, ipo-post ko ngayon yung mga pictures nung debut ni Jobelle.

Oh yeah...
Photobucket - Video and Image Hosting
Glam with a yoyo...
Photobucket - Video and Image Hosting
Hmmm.. bakit kaya ito yung pinaka-malaki?...

Sa debut ni Anne, masaya din, hindi ako gaanong kinabahan, medyo nanibago lang ako sa crowd, puro hip-hop or gangsta, whatever you call it. Madami akong sablay, nakakatawa kaya dinaan ko na din sa pagpapatawa, sa Offstring lang talaga pumalya.

HINDING HINDI ko din malilimutan yung gabing yun dahil nakasayaw ko yung minamahal ko... yikee... Ang aga mo kasi umuwi Bhevz eh... ~.~

Nung sayawan na, nagyoyo nalang ako, di kasi ako marunong sumayaw eh, hehehe...
Nung natapos yung debut, akala ko uuwi nako nung gabing yun, sayang at may maagang umuwi nung gabing yun. Kaya minabuti ko nalang muna na sumama dun sa kwarto sa nasabing hotel. Nakakatawa dahil nagkayayaang mag-inuman, ayos lang pero di naman ako uminom masyado. Dun ko nakilala yung ibang friend nila Anne at Jobelle, sina Ara, Tracy, Vina, Marisse at Kim. Dalawa lang kaming lalake ni Kerwin at siya ang tanggero (tama ba spelling?). Yung isa muntik na itakbo sa ospital, nagulat ako. Nasobrahan sa inom tapos sinubukan mag-yosi, tsk tsk, kala ko kailangan nang itakbo sa E.R. Hehe.. si Vina ata yun.. :D Hehe, nakatulog kaagad yung iba, Natira kami nila Tracy, Ara at Marisse. Grabe si Marisse kahit inaantok na ay hyper pa rin! Si Tracy naman ayus magkwento, nakakatuwa. Si Ara, galing magsayaw at malakas mag-yosi. Hehe..


Nung umaga, niyaya ko silang kumain, malamang dahil tomguts nako tapos cupcakes lang ang pwede atakahin dun. Lumabas kaming apat sa hotel, pumuntang McDo, sarado, punta 7 Eleven, ayaw nila ng noodles at hotdog sandwich, lakad kami... may nadaanang mga tindahan, naghanap sila ng goto, walang goto, naglakad pa kami, madaming mata ang nakatitig sa mga kasama ko, yung mga tambay na tricyle drivers... tsk... basta, iba tumingin... Badtrip... Naglakad kami mula sa Sulo Hotel hanggang sa KFC, sobrang layo nun at 6Am pa ng umaga, dyusme, tapos sarado.. konting lakad ulit, madaming matang nakatitig, pumuntang Jollibee, sarado. Para lang kaming nag-jogging.

Sumakay nalang kami ng jeep pabalik, madaming mata sa jeep... Badtrip ulit. Pagbalik sa McDo, bukas na, para kaming mga zombie, naka-long sleeves pa ako, taas ang buhok at mukhang adik. Namumula ang mga mata namin. Masaya kahit parang naglalakad sa ulap sorang puyat.

Nung tinatamad na ako, kami naman ang natulog, kahit masikip yung kama, nakisiksik nalang ako, hindi din ako nakatulog ng matagal, malamang mga 1 oras lang yun. Pagkagising ko, mataas na yung araw, 7AM, inaantok pero gusto ko nang umalis, since ako nalang ang lalaki dun at tulog na halos sila, uuwi nalang ako...

Balak pa nilang mag-swimming pero mukhang di na rin natuloy.
Pagka-alis ko, ibang klase ngumiti yung mga staff sa hotel. At alam ko kung bakit. Ayoko nalang isipin.

Bago sumakay naisipan kong bumalik sa McDo, ang haba ng pila pero napapainom ako ng MC Float. Tiniis ko nalang habang sinisipat ang pagka-adik ko. Pag uwi ko ng bahay, nanood pa ako ng Singaporean TV channel na Channel News Asia. At nakatulog na ako.

Nga pala. Pagpasok ko sa subdivision namin, hinarang ako ng gwardya, matagal na siyang gwardya dun at sumasaludo pa ako pag pinagbubukasn niya ako ng gate, pero noong umagang yun ay pinigalan niya ako pumasok. HINDI AKO NAKILALA DAHIL SA PAGKA-ZOMBIE KO!!! Grabe... Ansarap talaga ng feeling na umuwi ng umaga, yung tipong mga tao eh papasok palang ng opisina tapos ako pauwi palang, hehe, cool! Nyahaha!!

Ito nga pala ang mga 'addictions' ko ngayon...


Photobucket - Video and Image Hosting
Kahit anong libro ni Pareng Bob Ong! Walang sawa kong binabasa...


Photobucket - Video and Image Hosting
Musika pag nasa biyahe, selpon para matext si... ^.^ aylabyu...

Photobucket - Video and Image Hosting
Soy Milk Choco Malt Flavor ng Soy Yummy! (yan ha! libreng plug!) Yan yung paborito kung inumin, pag nasa mall ako at meron niyan, di ko mapigilan bumili, yan din ang lagi kong tinuturo sa nanay ko imbes na bumili daw ako ng Quickly, haha!


At malamang, ang aking mga yoyo
Photobucket - Video and Image Hosting
pair of Yoyojam Aquarius, yung pink hiniram ko kay Gilbert...

Photobucket - Video and Image Hosting
Woooh! Yoyo Tower?!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang gulo ng desk ko nu...


QTV stuffs

Astig nga pala, tinawagan ako ni Marge, assistant producer ata siya, graduate ng FEU, once na akong nagyoyo para sa kanya noon sa Hapinas yung morning show, noong last tuesday ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya para daw magyoyo ako sa bagong show (or channel, yeah, i said channel). Ayun, excited nako dahil kami yung mga unang kinuhanan, kasama ko pa sina Tencho at Josua, hahaha!!! Mabuti nalang at wala akong class noon at mahaba yung break time ko kaya sumugod agad ako ng Lawton. Hahaha! Asteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeg!!! Watch out for that!

~JLongboy

1 comments:

Anonymous Anonymous said...

hahaha.... nakakatuwa naman yung experience mo... naalala ko tuloy yung first overnight namin ng friends ko..... hehehe.... nagiiba talaga mukha ng tao kapag walang tulog..... stainless langgonisa, like that too.....

4:32 PM  

Post a Comment

<< Home