Monday, December 11, 2006

Mga wala kayong kwenta. . .

Unang una, habang tina-type ko ito, masama pakiramdam ko.
Pero bago tayo dumako (tama ba?) sa kina-babadtripan ko, masaya muna tayo, para masaya! ~.~

Mga bago sa buhay ko. Naks!

Photobucket - Video and Image Hosting
Motorola E770 and Duncan Freehand Zero.


Photobucket - Video and Image Hosting
Nice color combination. Blue and Yellow, it reminds me of The Used and Mango and Ube flavor of an ice cream. :D

Ayun, daming homeworks at quizzes, well, natural lang yun...
Kinuha akong actor ng isang 3rd year, Hmm... praktis nanaman to... Buti nalang teygelog. Di ko pa yata na-try umarte ng tagalog eh, hehe... Bakit kaya ako kinuha niya? Malamang eh natuwa siya sa speaking skills namin ni Michael sa stairs. Lol! Nabasa ko na yung script. Medyo may maselan na parte, sabi ng direktor ay ako daw humanap ng maging 'asawa' ko sa play. Grabe yung script, 80% eh puro mura. Hehe... Ayun, may mga nakausap na akong babae at mukhang ok naman sa kanila. Ngunit sino kaya ang pipiliin ko? ^,^

Hay naku, ansarap talaga mag-recite o magsalita sa harapan ng crowd, ewan ko ba, hehehe...

Nga pala, pinalabas ako sa isang bagong TV channel na tinatawag na UNIVERSITV! Isa siyang channel na naka-foucs sa kabataan, nakakabilib, ang galing, at ayun, inimbitahan kami nila Tencho at Josua sa Lawton, at yun nga, pinalalabas ako tuwing gabi, paulit-ulit lang kasi eh, hehehe... ch. 33 sa walang cable at ch.5 sa meron.
Nakakatawa yung mga tricks ko kasi ang hirap talaga mag Single-A eh nagkataong Speeder lang dala ko noong araw na yun. Chop-Seuy yung name ng show tapos para siyang one minute of fame. lol. Ok naman, napanood ng nanay ko, pero parang wala nalang. Sawang sawa na siya sa mukha ko sa TV.

Noong wednesday, nakakatawa, nasa kusina kami ng mama ko, kumakain ako ng pabirito kong Gardenia wheat bread habang sinasawsaw sa Carnation condensed milk (yan ha! plugging! ^.^) at naisipan kong magpabili ng selpon na may camera. Sabi niya next time nalang kasi nasira pala yung selpon ng tatay ko kaya uunahin muna yung sa kanya. Ayus lang, walang problema. Nung nasa Mcdo kami ni Bryan na ka-groupmate ko sa ICT para sa Powerpoint presentation ay biglang may tumawag sa selpon ko, nakapila kami ng bigla akong napa-sigaw ng "HUWAW!" nagulat yung cashier ng McDo pati na yung ibang nakapila. Dahil yun sa bagong selpon na handog ng aking ina. :D Atgumawa kami ng projects kasama sina Bryan at Jet sa bahay.

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Jet. Partner ko in crime. Lalo na pag may kinalaman sa short film

Photobucket - Video and Image Hosting
Bryan. Kapwa JROCKER! Yeah!

Noong sabado, naisipan kong sumama sa UP para naman makakita ng cute na cosplayers at manood ng Jrock na banda, pero di natuloy yun dahil madaming kadahilanan kaya pumunta nalang ako ng Glorietta para dumalaw sa Flipspin meeting at para narin bilhin ang Freehand Zero ni Philip. Ansarap talaga ng Freehand Zero, yehbeybi! Ang hirap talagang umuwi at sumakay sa MRT pag gabi sa Ayala station. Punong Puno eh, mabuti nalang kasabay ko si Philip at napa-aga ang uwi ko, at first time kong wmuwi ng naka-upo sa MRT!

Kahapon, sunday. Naalala ko na may NSTP orientation kami, napaka-walang kwenta talaga, sayang, sana natulog nalang ako, ansarap pa naman matulog nun, anlakas ng ulan at malamig ang hampas ng hangin. Hay naku, i've spent 3 hours watching crap. Feeling ko tuloy sininat ako dahil sa pag-alis ko, pwede namang gawin yung ng ibang araw or between class hours.

Photobucket - Video and Image Hosting

miss ko na kapatid kong si M. :)

~JLongboy.
TINATAMAD PUMASOK KASI MASAMA PAKIRAMDAM!

0 comments:

Post a Comment

<< Home