Friday, December 22, 2006

Debut ni Razhelle, Onessan!

Sa ngayon, nagsu-suot na ako ng salamin, trip lang, walang grado. Salamat kay bes sa pagsama sa akin sa Recto para mag-hunting ng magandang salamin. Natangay ang P40 ko. Sulit.

Photobucket - Video and Image Hosting



Natapos na yung debut ni Onnesan, Razhelle. Madaming nangyari na hindi ko inaasahan. ikanga ni Imbek. AYKENTBILIBIT!


isa sa mga picture.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako, Sean, Jhoanne at Nap.

*Saka ko na ilalagay yung ibang pic, walang Bluetooth yung pc ko eh, nasa phone ko pa yung pics.


Nakaka-inis dahil saksakan ng dami yung sablay ng tricks ko, pero masaya parin yung crowd, pero para sakin isa yung malaking kapalpakan. Isipin mo na lang, debut yun, madaming tao na medyo excited, pero masaya daw talaga. Bwahaha.. Nakaka-tawa pa nga dahil nilapitan ako ng isang guy sa table after ng performance, tinanong niya kung pano ako natuto and stuffs. Sabi ko... ah... nanood ng videos sa internet. Sabay bigay ng website ng Flipspin sa kanya. Matapos mahimasmasan sa trahedya, nalaman kong siya pala yung gitarista ng Callalily. Hindi ko alam na sila pala yung nasa kabilang table at nagsi-tayo... teka, NAGSI-TAYO pa nung nakasalang ako sa stage with their manager, Darwin. Ok sila, humble naman. Lamang lang sila ng apat na hilamos sakin.

Ayoko na sanang ituloy yung kwento pero dahil ganado ako, 12:53am na, lingo na pala, umm... Ayun, tumugtog yung banda ng 'Munting Paraiso' ang JOVIT MOYAH. Ok na sana eh, medyo naingayan yung crowd... except lang samin, malamang. Ayun, pinamunuaan ni OCCASION DESTROYER na si TENCHO ang pagwawala sa kanilang tugtugan. ---- TINATAPOS KO NA ANG KWENTO DAHIL AYOKO ITO MAALALA.

Astig naman nung yung banda na ng debutante yung tumugtog. SUBROSA yung banda, panalo, pinamumunuan ito ng tatlong magagandang dilag. Astig. Astig. Bakit? Pwede ba mag-mura? ay wag nalang. Um, ang lupit mag-growl ng bokalista nilang si Mecca, tinalo pa ako... Pag narining moko mag-growl, bumubuka ang lupa at kakawayan ka ni pareng Satan. Biro lang. Basta, ang galing ng cover nila sa 'Violet' ng SAYDIE.

Nga pala, medyo may konting tensyon nung gabing yun... ---- ANG KULIT! TAMA NA SABI EH.

Natutuwa ako sa nanay ng debutante, maganda parin, tapos pumayag magpa-piktyur matapos ang kalokohan ni OCCASION DESTROYER ----- TAMA NA NGA EH!!!


Nung natapos na yun, nagtrip muna kami sa pamamagitan ng maraming piktyuran, pagpapaputok ng lobo sa kakaibang paraan ---- WAG MO NG ISIPIN KUNG PAANO DAHIL SIGURADONG HINDI MO ITO IKAKATUWA. Kung korny ka.

Habang nagpapa-piktyur ako kay ______, may masama ang tingin sakin. ~.~

Matapos ang pagtitrip, pagsasayaw, yakapan, halikan, bosohan???, kulitan at piktyuran, naisipan (haaay salamat!) na naming lumayas sa clubhouse na yun. Ang problema lang, SOBRANG HABA ng lalakarin palabas ng subdivision. Parang Mall of Asia lang naman. Pero sulit. Nakasabay namin yung dalawang girl na hindi namin kakilala pero sinabay na namin para SAFE. SAFE??? Ah, oo... Kasabay namin sa paglalakad sina, Imbek, Tencho, Nap, Sean, Wawi, Randi, Brownman, Jovan, yung kapatid kuno ni Jovan at may nakalimutan ata ako. AH! Yung MULTO! ---- Nasa loob ng guitar case ni SEAN!

Dahil walang magbubukas ng gate namin ng 1:30AM dahil Batas Militar ang depensa ng bahay pag gabi na, naka-red alert palagi, walang sinabi yung security ng mga museum sa America. Marami lang talagang booby traps. May booby trap na maliit. Meron ding malaki. Alam ko iniisip mo. Wag kang ganyan.

Naisipan ko munang mag-stay sa 'condo' nila Sean at Brownman sa Legarda. Panalo yung place, antaas, may pool, helicopter pad, dance pad, spa at room sevice pa. Yun yung napaginipan ko sa jeep nung papunta na kami. Pagdating sa 'condo', ok naman, may double-deck na kama na puno ng basura. Pero komportable. Yan din yung sabi nung ipis na nagbibihis sa kabilang kwarto.

Nakasama ko sa maliit na kwartong yun ang mga damit, bote ng beer, electric fan, sabon, basura, bote ng alak, yosi, basketball ring, naninilaw na tissue?!... ay, sina Wawi, Brownman, Sean at yung dalawang dalaginding... ---- SERYOSO NAKO, HINDI KO NA ITUTULOY DITO!!!

Ok naman yung naging tambayan namin, si Sean, tae ng tae, badtrip. Tapos yung dalawang babae ----- DI KO MAPIGILAN!!! ARRRRGHHH!!!

Naglaro kami ng truth and consequence. Bibong bibo si... BWAHAHAHAHA!!! ---- TAMA NA! MADAMI KA NG NALALAMAN!


Ito lang masasabi ko, MABUHAY ANG KILI-KILI ng KABABAIHAN! HAHA! AMPUTEH!


di ko malilimutan yun. Mwwwuaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!!

GO FIGURE OUT WHAT IM SAYING.

--------------------------------------------------------------------------------
KASALUKUYAN KO PANG INIISIP KUNG PAPAANO IKUKWENTO NG WHOLESOME ANG SUSUNOD NA KWENTO, SIGURO WALANG PARAAN PARA IKWENTO ITO NG HINDI MAIILANG SA PAG-TINGIN SA IYONG LIKURAN.
--------------------------------------------------------------------------------
Dapat eh aalis na kami ni Wawi ng 5:30AM, kasi may exams pa ako ng 12, eh nawili kami kaya 7:30 na kami nakaalis. Pagdating ko ng bahay, pinuri ko ang sarili ko. "YOU'RE THE MAN!"

Pagkatapos ay kumain ng HOT CHILI na pancit canton. Teka, parang may kinalaman din to sa istorya sa itaas... ----- WALA! GUNI GUNI MO LANG YUN!!!

Pagdating sa iskul, imposibleng wala akong dalang Pepsi Cino, lalo nang walang tulog, nakow, its a must! At sabay puri sakin ng mga tao sa tambayan dahil sa yoyo performance. YEAH! SALAMAT!

Dahil walang tulog ay hindi din dahilan na walang masasagot sa aking test paper. Ako pa! Philosophy! Wohooooooooooooooo...

Tapos hindi ako nakaramdam ng antok. Kahit konti. Kahit ngayon.

-------------------------------------------------------------------------------

Ang saya, nakasama ko yung Juana, lalo na yung drummer na si Sheila, cool, natutuwa ako dahil natuwa sila sa pagyoyo ko. Hehe! Thanks Sheila!

Photobucket - Video and Image Hosting
Marvin, Shirley, Sheila and Magoo collectively known as Juana

ANSAYA SA BACKSTAGE!

~JLongboy

2 comments:

Anonymous Anonymous said...

ay. hindi si harold yang nasa band pic na yan. xa ung dati nilang bassist, si kuya magoo. ^_^ v

10:37 PM  
Blogger JLongboy said...

oo nga eh, tinatamad lang ako palitan... mamaya siguro. :D

12:29 AM  

Post a Comment

<< Home