Sunday, April 01, 2007

Flipspin meeting, f*ck the fastfood and short films.

Kahapon, sabado, pumunta ako sa Flipspin meeting kung saan ay tuwing sabado ay nagkikita ang mga yoyo players. Ako, sa totoo lang ay ngayon nalang dumaan ulit dahil tinatamad ako magyoyo pagkatapos sa mahabang byahe. Malayo na sakin ang Glorietta mula samin sa Fairview.

Masaya ako kahit konti lang kaming naka-punta, madami kasing naguluhan kung tuloy ba yung swimming party o hindi.

Ang sarap din panoorin at matuto ng bagong tricks, lalo na kay Sean na nag 3rd place sa AP noong nakaraang December sa Malaysia. Ito ang ilan sa mga pictures.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Sean, idol ko... Haha!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ako, di ko alam ginagawa ko dito...


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Wooo, yoyo lang hangga't di na sasaway nang gwardya!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nanonood yata ako kay Sean nito, tulala ako eh.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Manuel! Ang bigatin ng Bicutan! Wee! Nanalo siya sa Wowowee!


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Speeder, Aquarius, Fake Dark Magic, Speedmaker = P4550.

-----------------------------------------------------------------------


Lubos na badtrip ang nanay ko kanina sa isang fastfood sa SM Fairview dahil sa kanilang napakabagal na serbisyo. Wala pang tao nung dumating kami.

Dahil nagmamadali kami ay naisipan naming kumain sa fastfood na yun upang mapabilis ang kain namin. Pagka-order niya ng 10:10AM ay sinabing 5 minutes pa daw yung burger, ayos lang yun kaya pinapak ko muna ang lembot nilang fries. At 10:20 na ay wala pa, sa totoo lang biglang napuno ang fastfood at mas nauna pang kumakain ang mga yun. Ang masakit pa nun, pareho pa kami ng mga order!

Ilang service crew na ang dumaan para i-follow up namin ang order ay wala parin, walang dumating samin. Nang na-high blood na ang nanay ko ay tumayo na siya para bumalik sa counter kung saan siya nag-order. Pero wala paring nangyari, 10:30 na.

Kung feeling mo ay nanonood kang '24' dahil sa maya't mayang paglalagay ko ng oras ay di kita masisisi.

Napikon na ang nanay ko at tumayo at hinanap ang manager. Ibang klase magalit ang nanay ko dahil di siya gumagawa ng eksena, pero dahil sa lakas ng presensya niya pag galit. Ibang klase, tahimik na galit, mas nakakatakot yun. Yun yata ang namana ko sa kanya, di kasi ako maingay pag nagalit, sobrang kalmado na parang di galit pero daig mo pa ang nasapak ng tatlong beses sa sobrang galit ko palang.

Pagdating ng order namin ay malamig ito, WHAT THE FUCK?!

Syempre na badtrip nanaman ang nanay ko at binalikan ang manager, nag-antay nga naman kami ng halos kalahating oras para sa burger na yun tapos malamig pa?!

Binalik namin ulit ang burger at pinalitan ito ng mainit-init na.

Nabadtrip ako sa kanilang civilian security guard na akala mo ay may masama kaming ginagawa, dahil habang kumakain ay lumalapit siya banda samin, sinisipat kami sa pagkain.

Sinamaan ko siya ng tingin, as in sobrang sama, kung close tayo alam mo ang ibig kong sabihin, medyo naka-ngiti pa ako, medyo sarcastic ko siyang tinitigan, lumakad siya at pasimpleng tumitingin din, medyo na na-imbyerna siya sa tingin ko dahil ikot siya ng ikot at masama pa rin ang tingin ko kahit saan siya tumingin. Nadamay din sa ang manager sa tingin ko, takte, takot na takot at tumalikod pa.

Tumayo ako dinaanan ang gwardya, matangkad din pero mas matangkad ako, pagdaan ko sa kanya ay tinitigan ko siya sa mata. Imagine nanonood ka ng anime na may kidlat effects pa.

Eto ang punto ko, wala kaming masamang ginawa, bakit ganon sila maka-asta. Ang fastfood na ito ay kilala sa kanilang chicken.

CLUE: Katapat ng Body Shop ang fastfood na ito.

======================================================

Masaya ako at natuwa ang prof namin sa pagpapalabas namin ng short film kahit medyo alam kong madami akong pagkukulang sa mga na-edit kong film. At mas lalo akong natuwa nang sinabi ng prof ko na kung gusto namin i-reshoot ang film ay magpoprovide daw siya ng gamit tulad ng lights at sana may camera. lol.

Abangan niyo nga pala ang mga susunod naming gagawin film. Ayus na lahat ng storyboard at kwento. Medyo gipit lang sa oras.

- Block 11 Lot 13. -Re-shoot, better editing software and lights
- Palapag. - Short film na original idea ko.
- Dokyu. - Full Length na film na pinangalang 'Dokyu'. Idea ni Jet.
- Kambal sa Labas. - Kwento palang. Lalapatan palang. Idea ko,

Sigurado akong di namin matatapos ito ngayong bakasyon pero sobrang excited na akong magawa ito. ^^

Gumagamit ako ng Pinnacle at Ulead ngayon sa pag- edit. Naga-Adobe din ako pero ayaw tanggapin yung .avi format ng videocam ko.

Anyway, salamat nga pala sa mga 4th year na ngayon na nakapanood ng film naming Block 11-13. Natuwa ako sa response niyo, lalo akong ginanahan na gumawa ng bago.

Pati na rin sa mga kaklase ko natuwa sa film, SALAMAT.

SALAMT DIN KAY JULIAN CRUZ. Para sa pagpapahiram sa kanyang gawang Block 11-13. Napaka-gandang kwento ser! Salamat!


SALAMAT DIN KAY SIR BABSIE MORABE. Dahil sa kanya ay nabukasan ang isipan namin sa mga ganitong bagay. Iba ka sir!

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Asia Soy Milk. = current addiction. AY LAB ET.

The best! Natural ang lasa, walang artificial na pampatamis kang malalasahan! Di katulad ng nasa Glorietta, parang gatas ng baka ang lasa.


-JLongboy

0 comments:

Post a Comment

<< Home