Sunday, March 04, 2007

Ang pag tambay ko sa International Student Lounge. And why China rocks!

Dahil napagdesisyunan ko este namin na maging grupo kasama ang mga foreign students ay naisip ko na maaring tungkol din sa kanila ang maging topic namin sa thesis.

Ikaw ba naman ay hindi pa maawa sa lagay ng dalawang dayo este dayuhan, pareho ko pa silang katabi at walang gustong umampon na grupo sa kanila. At kahit papaano ay napalapit na rin ang puso ko sa kanila.

3 Pinoy na lalaki + 1 Intsik na lalaki + 1 Koreana = MUTED GROUP THEORY!

Search mo nalang sa Google kung gusto mo malaman ang theory na yan.

Matapos ma-approved ng prof ang aming topic ay naisipan ko este namin na dumaan sandali sa International Student's Lounge.

Nung papunta palang kami ay natawa na ako sa tingin ng iba kung kakilala, feeling ko ay naisip nilang, "Aba, naka-tsamba ng Koreana!". Kaya pinakita ko nalang ang pinaka-mahaba kong daliri sa kanila. Pero pagpunta namin ay hindi nakasama si Intsik dahil meron pa siyang klase.

Papasok palang kami ng pinto ay isa lang ang dasal ko, sana wala yung mga babaeng Nigerians.
Hindi dahil mas pogi sila sakin kundi medyo may kaingayan ang nasabing grupo. Pero mababait naman sila. Maingay lang talaga.

Pagdating ay kinausap ko ang mga nasabing mga dayuhan, kailangan ko kasing kunin ang loob nila para madaling mag-conduct ng surveys at interviews sa mga susunod na araw.

Una kong nakaharap ang isang bumbayin na Iningles ko pa, tagalog naman ang sinagot.

Pangalawa ay babaeng Intsik na kinausap ko din ng English, kaso minura yata ako.

May isang lalaking Intsik ang nag-aaral at hindi ko na inabala, baka kasi bigla niya ako saksakin ng chopsticks.

Kinamayan ko din ang isang Hapon na mukhang Pinoy, tinanong ko siya kung marunong siya magyoyo, nung sinabi niyang oo ay nilabas ko ang yoyo ko at pinakita ang Offstring, natahimik siya ng 5 seconds at sinabing...

"OH! I'm not that good..."

Nang handa na kaming apat mag-sex este mag-brainstorming ay biglang humirit yung babaeng Intsik na itago nalang natin sa pangalang 'Li'.
Ok sana siya ako saksakan ng corny. Proud na proud pa siya na meron daw siyang joke! Eto ang isa!!

Li: "Why is it that the rooster bit the hen after it laid its egg?"

Ako: *Nagmura ng Tagalog* Why?!

Habang nag-iisip ng malalim ang mga ka-grupo ko para masagot yun ay nag-iisip na ako kung paano ko isisilid yung kamao ko sa bibig niya. At ng di makatiis ay sinagot niya na.

Li: "Because inside the egg is duck!" - ekasktong sinabi niya.

So what if a duck fucked the hen?!!!

Hindi ko alam kung anong nakakatawa dun pero isa lang naisip ko, malaking tulong ang ginawa niyang yun, pandagdag thesis. Dahil sa pagkaka-iba ng bansang kinalakihan ay maaring nakakatawa yun sa mga Intsik.

Matapos ay ako naman ang humirit. Nagkwento ako ng sitwasyon at sabay tanong. Ang tanong ko ay:

"WHERE WILL YOU BURY THE SURVIVORS?"

Natahimik siya at tinuloy namin ang meeting namin.
Madami siyang tanong at hanggang sa pauwi na siya ay sinabi ko na ang sagot.

IKAW? ALAM MO?!

Natutuwa akong makita na ang dating tahimik at mahiyaing Koreana kong ka-grupo ay nagawa kong bibo at makulit. Oo, ''KO".
Kung nabasa niyo ang past blog posts ko ay maiintindihan mo yun.

Ang saya lang sa part ko dahil ngayon ay ma-kwento na siya. Kung dati na ako ang nag-aaproach sa kanya ay ngayon ay balanced na. Cool.

Kwento niya,

"Have you watched EPIC MOVIE?"

~ Not yet, why?

"Dont watch it..."

~ Why?

"I expect too much..."

~ Ahh, so it sucks?

"...Yeah"



- Masaya na ako nun.
---------------------

Sa araw ng pasahan ng introduction ay nagkalokohan, nung una ay dalawa kami ng groupmate ko na si Julius ang dumating sa oras. Fuck, so pwede pala i-apply ang Filipino time sa mga Koreans at Chinese? lol. Habang naiinip kami sa pag-iintay at dahil dalawang araw na akong walang tulog ay naisipan na muna naming maglibot... At pumunta ulit sa International Student's Lounge.

Dinasal ko na sana wala yung Chinese na makulit.

Wala nga, pero nandoon naman ang mga Nigerians. Tahimik sila at tinanong ko yung president nilang Nigerian regarding nga sa thesis namin. Nakatulong naman siya at matulungin siya sa pagpasa sa amin sa kabilang kwarto. Pagpasa ay... Umm... Maling tao pala ang kinausap namin kaya pinasa nanamin kami sa kabilang kwarto. At ayun! Sa wakas at nakausap ko na ang tamang tao.

Mabait siya, maganda at may edad na rin. Naalala ko pa na isa siya sa mga kinilig sa yoyo performance ko noon sa FEU Auditorium. At naalala nga niya ako. At ayun, minulat niya kami sa thesis namin. Tama siya, wala kaming clear objective. Pero sablay din, dahil hindi niya tanggap ang theory namin. Matapos kaming gisahin na parang nasa presinto ay nagpalakas niya naman ang loob ko.

Pagbalik namin sa tagpuan ay nandoon na ang kagrupo kong Intsik na si James. Syet, ''Instik" ang nata-type ko ah.

Pagka-upo ay nagbrainstorming na kami since wala kaming clear objective.
Bigla namang dumating ang grupo ng mga Chinese at sabi ni James ay pwede daw natin silang kausapin tungkol sa problem namin at makapag-contribute.

Anim sila sa grupo, yung isang lalake mukhang Pinoy na laging binabatukan sa sineng Pinoy pero may I.D lace pa ng UST, yung isa naman mukha ding Pinoy na sinusuka na ng mga beerhouse. PERO INSTIK SILA...At nag-usap na nga ang sila.

Sa totoo lang naiinis ako sa mga kasama kong Pinoy na natatawa sa pag-uusap ng mga nasabing dayuhan.

Doon ko na-feel ang O.P. Para akong gago na nakikinig sa usapan nila at tumutungo pa ako ha! Pero ayos lang yun, gusto ko din ipakita ang respeto at pasasalamat ko sa kanila sa pinaka-simpleng paraan. Kaya nga hindi ko na tiningnan yung kili-kili nung isa kong katabi niya itong itaas. Baka mawala respeto ko eh. Hehehe! Cute actually yung isa. At boypren niya yung mokong na gusto ko batukan. Sinabihan ko silang ng 'XI XI" na ibig sabihin ay "Arigato".

Pagkatapos ay kinewento lahat sakin ni James ang pinagsasabi noong grupo.

Hanggang sa dalawa nalang kami ni James ang natira. Madami akong nalaman tungkol sa China.

- Ang "pssst..." daw ay bastos sa kanila.

- Bawal ang porn. Pero meron daw silang supplier sa lugar. Parang drugs lang ah!

- Chinese Porn SUCKS.

- Hindi lahat ng Intsik ay mallit ang boobs. Sa babae lang syempre.

- Marami sa kanila ay walang rehiliyon dahil sa communism.

- Kadalasan daw ay pangit ang mga babae doon.

- Walang ads tungkol sa sigarilyo.

- Di daw tulad ng edukasyon sa Pilipinas, doon daw ay walang mga 'extra' activities. Ika nga niya, wala daw researches sa kanila. In short, kung may library sa kanila ay hindi para puntahan para hanapin ang sagot sa homework mo. Doon ay kung ano ang sasabihin at ipapabasa sayo ng teacher ay yun lang dapat mong pag-aralan.

"OUR TEACHER WILL TELL EVERYTHING YOU NEED TO KNOW"

Dapat ganyan din dito sa Pinas.

Isipin mo, mas gaganahan ka mag-aral. Try mo isipin kung bakit.

CHINA ROCKS!

MASAKIT NA DALIRI KO...

- JLongboy

0 comments:

Post a Comment

<< Home