Saturday, March 10, 2007

GATSBEEEEEEEEEE!!! at Kwentong FX Part 3

Isang gasgas na kasabihan sa mga lalaki ang :

"Guluhin mo ng buhay ko, wag lang ang buhok ko..."

Yan marahil ang motto ng mga taong gumagamit ng gel.

Sa pag gamit ko ng hair wax, mas madaling ayusin at hindi gaanong nagmamantika di katulad ng gel.

Umpisa tayo sa Gatsby.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Light and Natural.
Ito ang kailangan mo kung tipong male-late ka na sa pasok mo. Makintab siya at hindi di matigas pero naka-form pa rin yung buhok mo. Wag ka lang sasakay sa impyernong FX.
Astig to kahit ano pang length ng buhok mo.

RATING: 9 out of 10.



Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hard and Free
MATIGAS AT LIBRE??!!
Sakto lang. Medyo matigas pero swabe parin, kahit tumakbo ka ay aalog parin ang... buhok mo... hehehe! Bagay ito sa mga buhok na di gaanong mahaba. Dahil medyo makintab din ito ay di nga ito gaanong bagay sa mahabang buhok. Mag mumukang dinilaan ng rapist ang buhok mo.

RATING: 10 out of 10.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kung mahaba ng kaunti ang buhok mo at gusto mong patayuin o di naman kaya eh iayos dahil bumababa ang bengs mo, ito ang bagay sayo. 'Mat and Hard'. Unlike other hair waxes na available sa suking tindahan ay ito ang madaling tanggalin. Isang shampoo lang ay wala na ito sa buhok mo. Hindi ito kasing hardcore ng ibang hair wax. Gustong gusto ko to sa lahat ng wax ng Gatsby. Share lang... Ahihihihi!

RATING: 10 out of 10.

Mapunta naman tayo sa TRICKS.

Ang alam ko ay dalawa na ang variant ng hair wax ng Tricks ngunit isa pa lang ang meron ako.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Dahil cute ang lalagyan nito ay naakit ako bumuli dati. Napagkamalan na nga ito ng mga kaibigan ko na bago kong yoyo. Unlike sa lahat ng hair wax na nabanggit ko, ito ang pinaka-malabnaw. Pero ok siya dahil madaling ikalat sa buhok. Pag ginagamit ko din ito ay walang paglalagkit sa buhok ko tulad ng Gatsby. Kaya ay lab et too.

RATING: 10 out of 10.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi po yoyo yan... ^^


Maiba tayo.
Kung naranasan mo ng sumakay ng FX ng gabi ay malamang nakita mo na ito sa kisame ng nasakyan mo. PUTRAGIS, MASAKIT SA MATA!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
SYET.

Maiba ulet...
Habang may pinapa-edit sa akin ang kaibigan ko dito sa bahay ng 3am yata ay biglang nag-hang ang video editing software at ito ang nakita ko.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Basta ang alam ko, kinilabutan ako.

-----------------------------------------------------------------

Dahil sa thesis namin ay bukas, lalakad kami papuntang Katipunan para mag-interview sa mga Koreans sa tulong ng ka-grupo kong Koreana. Pagkatapos ay sa mga Chinese naman somewhere in Manila.

SUPER BUSY TALAGA BUKAS!
Sana madaming cute na Koreana bukas. Wahahaha! Kidding!

Since we are gonna deal with foreigners, hmmm, di ko namalayang nag-english pala ako! Haha!

- aym awt.

1 comments:

Anonymous Anonymous said...

naaliw ako. so medyo mahaba to. lol.

--"Guluhin mo ng buhay ko, wag lang ang buhok ko..."

*ruffles your hair* XD

--The gatsby and tricks hair wax review and promtion: grabe. haha. ang dami naman nyan. naalala ko tuloy ang aming bunso. mahilig din siya mag-gel at di namin maintindihan kung bakit. maiksi naman ang buhok nya at sa tingin namin ni jena ay di na nya kailangan ito. anyways, marami naman talaga kaming di maintindihan sa mga lalaki. lol.

ang ginagamit pala ng pinsan ko ay tricks. naalala ko rin kasi yung lalagyan. ^_^

--"Hindi po yoyo yan... ^^"

haha. mapapagkamalan nga.

--ang nakaririnding ilaw: matagal na akong di nakakasakay ng fx ngunit naranasan ko na ang torture under ng ilaw na ito. nagtataka tuloy ako kung iba ba ang sensitivity sa light ng mata ng driver sa atin.

--ang numero ng dyablo:

"Basta ang alam ko, kinilabutan ako."

ako rin. lalo na at 3 am yun. witching hour, ika nga ng classmate ko na kinikilabutan din dahil ilang umaga na siyang nagigising sa ganoong oras.

--gudlak na lang sa thesis ninyo. ^_^

12:49 AM  

Post a Comment

<< Home