Tuesday, March 20, 2007

Ang kinalabasan ng malupit naming thesis.

No offense sa mga ka grupo ko sa thesis.

Ok, fine. Ako ang naka-isip ng topic namin, ang makulit na kumag na nagyayaya ng meeting.

Masaya akong ipahayag na astig ang kinalabasan ng thesis namin. Akala ko pa nga ay hindi ako exempted sa exam, pero nagulat ako ng hindi ko nakita ang pangalan ko sa mag-eexam. Sobrang baba ng midterm grade ko pero nabawi ko pala sa mga quizzes ko nung finals. Yeah!

Ngayon ay ikekwento ko naman ang pag-tour namin sa 'teritoryo' ng mga ka-grupo naming foreign students para mag-interview at research.

Unang destinasyon. Sa Katipunan. Sa isang worship service ng mga Koreans.

- Hindi ko alam kung papaano magkomyut sakay ng jeep papuntang Katipunan. Palagi kasing taxi o sasakyan ang experienceko dun. Pagsakay ko ng jeep sa Tandang Sora ay may nakatabi naman akong matandang lalaki sa harapan.

Tinanong ko ang drayber na ibaba ako sa sakayan ng Katipunan dahil hindi ko alam kung saan yun. Sumabat ang matanda at sinabing walang problema dahil yun ang endpoint ng jeep na yun. Natuwa naman ako.

Trapik talaga sa lugar na yun, kung natatae ka na ay siguradong maiihi ka na din sa tagal ng byahe. Hindi talaga ito malayo. Trapik lang talaga.

*need your comment on this one.

Habang nakatambay ang jeep namin sa sobrang trapik ay nakita ko ang scenario na ito.

Naglalaro ang dalawang 2 o 3 year old na babae sa gilid ng sidewalk (teka, gilid na, sidewalk pa?!)ng biglang lumabas ang nanay nila sa barong-barong. Galit na galit ang mukha ng babae, parang natatae.

Nagulat ako ng bigla niyang hilain ang buhok ng (A)bata paibaba at nauntog sa lapag. Syempre nagulat ako, kung pwede lang ay natikman ng nanay nila ang kamao ko.

BUT WAIT, THERE'S MORE!


Matapos niyang gawin iyon kay bata A ay bumaling naman ang tingin niya sa bata B. Eto ang shocking sa lahat. Dahil ng makita nya ang nanay niya eh napa-upo ito sa maduming sahig at sabay iyak.Walang salawal ang bata B. At biglang bumulusok paibaba ang kamay ng nanay patungo sa *topouokoeoot* ni bata B at kinurot ito ng malakas. Todo iyak ang bata.

Gusto ko nang bumaba at sapakin sa boobs yung nanay nila. Mag-aanak tapos tatratuhin na parang mga test dummies. Naisip kona papaano pa kaya ang ibang nakatira sa mas mahihirap na lugar?


TANG INA TALAGA.


Nang makarating kami ni Lolo sa sakayan ng jeep papunta namang Katipunan ay mabait niya akong sinamahan. Habang naglalakad at naka-holding hands ay tinanong niya kung taga saan ako at tinanong ko din siya. Pagkaraan ng 4 na minutong paglalakad ay dumating na kami sa terminal. Sabi ko sa matanda, sagot ko na ang pamasahe niya dahil sa mabait niyang pagtulong. Tumanggi siya.

At bumaba na nga ako sa jeep at nagpasalamat kay Lolo.

Habang inaantay ko ang kasama ko sa pagpunta sa Building na binigay sa akin ng kaklase kong Koreana ay naisipan ko munang kumain sa Mcdonalds. Sa tagal ng pag-aantay ko ay binasa ko nalang ang mga pinapabasa sa akin ng Literature prof namin na story. Ang Antigone, Enemy of the People at Tragedy of Macbeth.

Habang nagpapaka-weirdo at inuubos ang McFlurry ay ilang magagandang dilag ang dumaan.

Pero walang kinalaman yun sa kwento ko.

Matapos ang isang oras ay dumating na nga ang kasama ko. Tinext kami ni Naomi(Koreana) at sabi niya ay mag-tricycle nalang kami at hanapin ang isang pizza parlor.

At bumaba na nga ako sa tricycle at nagpasalamat kay Lolo. DEJAVU?!

Joke lang, pagbaba namin ng tricycle ay nakita na namin si Naomi sa baba ng building. Syet, naka mini skirt.
Tiniis kong hindi tumingin. Pero sa kili-kili niya, HINDI.

Pagpasok sa building, inakala kong isa yung space warp at nasa Korea na ako, putcha, lahat ng makaka-salubong mo ay singkit. Lahat kulay dilaw. Except sakin. Pagkatapos ay bawat isang makakita sa min ay tatanungin si Naomi ng kapwa Koreans. At eto ang isasagot niya.

"Ching gu ya" - it means, my friend/s

Sumakay na kami sa elevator at pumunta sa 'worship service' ng mga Koreans. Habang naglalakad ay hinahanap ko kung may signs na:

"PUTANG INA MO, BAWAL PILIPINO DITO!"

Wala naman. Pero naisip ko din na baka hindi na ako marunong mag Tagalog paglabas ko sa building na ito.Pagpasok sa malaking conference room na kami lang ang Pinoy ay medyo nanliliit ako, imagine, na ganoon ang nararamdaman nila everytime na papasok sila sa classroom ng puno ng Pinoy. Pagka-upo ay nag-umpisa na kaming mag-interview. Isa sa mga inuna naming interbyuhin ay ang boyfriend ni Naomi na nagkataong namang kapangalan ko pa. Joseph din ang English name niya. Nung na ay natakot ako sa kanya kasi baka sinusumbong ako ni Naomi, lagi ko kasing siyang kinukulit at binibwisit. Minsan, kalandian. AHihihi... :


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Konti lang muna ang na-interbyu namin dahil mag-uumpisa na sila. Eto ang scenario. Patakas na kuha.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ganyan ang scenario, yung guy na nasa left ang translator. Malamang badtrip siya, dahil sa amin ay magta-translate siya.

Yung una may nag-share, nag-suicide daw ang ex-boyfriend niya... Tama nga ang sinabi ni RedKinoko sa blog niya. Mas bagay sa kanila ang maging EMO.

Nagulat ako dahil habang kinakalikot ko ang camera ko ay bigla silang nagpalakpakan, di ko pinansin, tapos nagpalakpakan ulit sila.Pagtingin ko ay kami pala ang pinapalakpakan. Langya, di manlang ako kinalabit ni Naomi. Lahat sila nakatingin sakin.

Habang may nagsasalita sa harapan, puro Korean for almost an hour. Hindi masabayan nung translator yung bilis ng Korean, asar na asar na yung translator.

Pagkaraan nang ilang minuto ay isang... emm, ma...ta...bang... lalaki naman ang nagsalita. Hindi ko alam kung sermon session nito. Parang galit na galit siya, para kaming pinipilit umamin kundi ay papatayin niya kami. Gumawa pa siya ng diagram sa whiteboard. Tapos masama ang titig niya sa akin. Kaya sinamaan ko din siya ng tingin. Medyo nagulat siya sa mata ko, nabasa ko mukha niya.

Heto yung diagram:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Pagkatapos pala ng worship ay may forum kung saan ay pinadala nila ang pinakamagagaling mag-English sa kanila, ang forum pala ay para magreflect at naintindihan ang sinabi sa harapan ng dalawang speaker.

Sabi ko sa sarili ko, wala nga kaming naintindihan eh. Buti pa kung nag hand signal nalang yung translator, malamang ay naintindihan ko pa.

Medyo di ko gusto yung timpla ng translator na isa sa mga nakipag-forum sa amin. 2 Pinoy. 2 Koreans. May attitude yung translator, parang imbyernang imbyerna siya, pero hindi naman sana dahil sa amin. Nagtanong sila at nagshare nalang kami ng pwede i-share para nalang may masabi.

After ng forum ay ininterbyu na din namin sila maging ang ilang nag-gagandahang Koreana.

May nainterview ako, pinakabata sa kanila. Natutuwa ako na siya ang may kakaibang sagot sa kanilang lahat. Siya yata angpinaka-nag eenjoy kasama ang mga Pilipino. Hiningi ko tuloy ang number niya. HEKHEKHEK.

Ang isa naman, sobrang lupet mag English, dahil ito sa American accent niya. Pag pumikit ka at pinagsalita mo siya. Aakalain mong ako ang kausap mo. HAHAHAHA!

Pagkatapos ay hinatid kami/sila Naomi kasama ang friend niya na si Dami.

Ang CUTE NI DAMI.

Destinasyon: Sta Mesa, kung saan ang mga Intsik.

At dumerecho naman kami kina James, sa lugar ng mga Chinese. Sa may Sta. Mesa.
Nahirapan kami sa paghahanap ng apartment niya. Dahil isang street e puro apartment!

Nang nahanap namin ay medyo nakaraos na kami. Pagpasok sa kwarto ay inumpisahan na naming pag-aralan ang thesis.

Nang ginutom kami ay niyaya niya kami sa isang kainan malapit sa kanila. Sabi nya. "I'll feast you two".

Pagdating ay bumungad sa amin ang bading na waiter.

At binigay ang menu. Sabi niya pa, "sir, unlimited rice po dito"

Sabi ko, "AH! Ganun pala ha!"

Habang nakakarami na kami, pero gutom pa ay biglang may nagtext sa kin, nagtext pala sa kin ang girlfriend ni James at gamit ang cellphone nito, pinapabalik kami. Sayang yung unlimited rice.

Pagbalik ay inenterbyu ko ang 2 pang Chinese.
Yung babae, Nag-masteral sa Mass Communication. Badtrip daw siya sa Pinoy na sinungaling at mandaraya, lalo na daw ang mga taxi drivers.

Yung lalaki, mukhang masaya naman sa stay niya. 26 na daw siya pero mukha siyang 18. Dahil ba ito sa pag inom ng 1 liter Coke at pag ubos ng isang kaha ng Marlboro Lights araw araw?
Nang ok na ang lahat ay umuwi na kami.

----

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ako, Shoujin(Chinese) at Micheal.

NAKARAOS DIN!

After 2 days ay bumalik kami para tapusin ang written output ng thesis at kumain ulit kami sa 'unlimited rice'. May napansin nga pala ako.
WAG KANG TATAWA OK?
Brace yourself, then scroll down. SLOWLY...



























Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Tingnan mo maiigi.

25.

I'm out. I LOVE YOU ALL.

-JLongboy

0 comments:

Post a Comment

<< Home