Thursday, March 29, 2007

FEU FILM SOCIETY.

Masaya ako't nagkaroon na rin ng FEU FILM SOCIETY.

Kung saan magsasama-sama lahat ng may passion sa pag gawa ng film.

Natutuwa ako at nasama kami ni Jet sa org na ito.

Noong nakaraan ay gumawa kami ng 'dyaryo' para sa Journalism namin, habang gumagawa ay nag-iinuman naman kami ng gin mango. Sobrang antok at hilo agad ako pagkatapos ng ilang baso. Pagkatapos ay dumerecho na kami sa school at umatend ng grand eyeball ng nasabing org.

Ilan sa kanila, kakilala ko, yung iba mga ngayon ko lang nakita.

Nagkaroon ng botohan. Nanalo ang partner in crime ko na si Jet bilang vice president.
Ako, ilang beses na nominate, naging issue ang apeliyido ko. Lahat sila nagtatanong.

"Longboy?"

Haha, natalo ako ng bading. Hehe...

Pero ok lang yun. Madami akong natutunan sa nag-talk at nag organize ng grupo...

Kaya kung kakayanin. GAGAWA KAMI NI JET NG SHORT FILMS EVERY MONTH.

Haay, yun lang. Sana magkaroon na nga ng festival at makalabanan ang ibang school.

~JLongboy


Oh, scroll down, SLOWLY...





















Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Saw this pic while searching for some photos. Credits to who owns this pic.



HAHA!

0 comments:

Post a Comment

<< Home