Sunday, January 28, 2007

Jovit Moyah, Inuman at Childhood Love! *kilig*

Jovit Moyah.

Photobucket - Video and Image Hosting

Isa itong banda na nabuo sa FEU. Isa sa mga banda na nakuha ang respeto at kiliti ko. Nakakatuwa na makasama sila sa backstage, dressing room at stage mismo. Syempre ako ang kanilang follower at cameraman at the same time. Napanood ko kung paano sila magtalo, magdrama, magkulitan at kung anu-ano pa.

Photobucket - Video and Image Hosting
Kung gusto niyo sila makilala, punta lang kayo sa tambayan namin, bisitahin ang website nila, sa Freedom Park o kaya ay i-add sila sa Friendster.

site: www.jovitmoyah.tk
Friendster: jovitcombo@yahoo.com
Yahoogroups: jovitcombo@yahoogroups.com

-------------------------------------------------------------------

Photobucket - Video and Image Hosting
Kuha yan sa debut ni Razhelle, pero wala itong kinalaman sa tatalakayin natin.

Inuming nakalalasing, para saan nga ba ito? Halos gabi-gabi nalang napapadpad ako sa ganitong mga sitwasyon. Hindi ako mahilig uminom simula noong nalasing ako. Eto muna yung picture noon.

Photobucket - Video and Image Hosting
Yan ay noong umuwi si James mula sa United Kingdom. Sa bahay ni Arthur. Tinulugan ko si Jobelle.

Ayoko na maulit ang feeling pag lasing. Tulog agad ako, ikaw ba naman, ubusin ang kalahating vodka sa loob ng five minutes. Mabuti nalang at marunong ako matulog ng 'safe mode' takip na takip ang mukha.

Malamang kahinaan ko ang alak, except nalang sa beer, dahil kahit kelan, kahit gaano kadami ang inumin ko, parang wala lang.

Badtrip na Emperador yan.

Malamang. Alak na nga ang kahinaan ko...
----------------------------------------------------------------


*WARNING* Ihanda ang panyo! Haha!

Sa ngayon, ewan, masaya ako na hindi. Malamang marami pa rin talagang kulang sa akin para maging masaya ng tuluyan. Maraming nakaka-badtrip, mga babaeng mahilig magpa-asa sa wala, mga madaming tinatago at yun ang kinaiinisan ko. Minsan, naiinis sa mga babae (hindi lahat) dahil halos tatlong beses na akong pinapa-asa. Teka, apat na beses na pala. Oo, no girlfriend since birth ako, hindi naman big deal sakin yun kahit sinong maka-alam, pero napipikon ako, sa pagkukulang sa sarili ko. Syet, naluluha ako. Hahaha! Basta, malambing kasi akong tao, alam yan ng karamihan. Pero p****, wala akong malambing kundi ang mga babae kong kaibigan. Wala manlang akong makasama. Wala akong makatabi sa madilim na lugar (lol). Kelan kaya ako may matatawag na 'GIRLFRIEND'.

NAKAKA-INIS KA! NAUNAHAN MO PA AKO!

Madadaming nagsasabi sakin na "darating din yan", pero kelan? Pag naka-graduate nako?
Kaya kung minsan, masaya na ako sa mga babae kong best friend na nalalambing ko. (syempre may limitations dahil may mga pag-ibig sila.) Nakaka-inis pa kung minsan, yung feeling mo na siya na... Hindi pa pala.

Malapit na naman ang Valentines Day. Sana, hawak ko ang kamay niya sa araw na yun.



~JLongboy

*alangya, andami pa palang homework!!!
at magpapa-alam na ako sa GLOBE! BWAHAHAHA!!!

Wednesday, January 17, 2007

Facts about my schooldays... *WARNING* MADRAMA!

Wala lang. Hulaan niyo kung sino siya. Nagulat ako ng nag-pose siya kaya kinuhanan ko nalang. ~.~


Photobucket - Video and Image Hosting
sa Netopia Morayta. Haha! Wala lang.


Bago ang lahat, bumili ako este binili ako ng magulang ko ng DiVi Cam. It stands for Digital Video Camera. (Para sa ignorante...) lol.

Isa lang ibig sabihin nun, matutuloy na namin ni pareng Jet ang short films namin. At may artista na akong babae! yeah boi! Makakagawa na din ako ng yoyo video clips ko at mga ka-Flip Spin member ko. Mahahasa ko na rin ang video editing skills ko. Wahaha! Magagamit ko na din to ICT subject namin kung saan kailangan naming gumawa ng super short film. Two minutes. Eh kung mag-intro pa naman ako eh lagpas ten minutes. Kailangan talagang iklian ng husto ang ideas.

Anyway, eto yung pics ng cam. Creative DiVi Cam 525D


Photobucket - Video and Image Hosting
Inner box.

Photobucket - Video and Image Hosting
Outer Box

Photobucket - Video and Image Hosting
Yeah. Fold...

Photobucket - Video and Image Hosting
I love the size and shape. Really compact.

Photobucket - Video and Image Hosting
Covered lens. Flash. Remote sensor. Haha!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Sweet. Inverted fold ng LCD screen.

Ayun. Share lang.

*nga pala, kaya may cord, kasi china-charge ko. ^.^

--------------------------------------------------------------------


Naisipan kong gumawa ng ala - short history tungkol saking pagakabata...

NURSERY - Natuto akong maki-salimuha sa kapwa bata, hindi ako pala-labas ng bahay, wala akong ibang kaibigan kundi ang mga kaklase ko at yung janitor na si kuya Cesar na hanggang nagyon ay janitor pa rin sa aming school. Nahihiya akong maghubad ng sando pag binibihisan ako ng yaya ko sa school. Ayokong nakikita ang nipples ko, ayokong may twalya ako sa likod at higit sa lahat, ayokong pinagnanasahan ako

Kinder- Nagka-crush ako sa grade 1 yata yun. Kristine pangalan niya, sinulatan ko siya ng love letter sa tulong ng mga ka-brad kong malalakas sa chicks. Gamit ang isang stationary paper at Jumbo pencil, ito ang pinahayag ko.

"Kristine, gusto kita, sana okey lang, alam ko namang may gusto ka sakin..."

Makalipas ang ilang oras, mistulang bumalik sa bag kong may gulong ang sulat. Nakita yun ng nanay ko tinago, malamang natuwa siya sa stationary na ginamit ko.

Prep - Crush ko yung teacher kong si Mam Ellen, hinalikan niya ako sa first at last day ng school kung saan siya din ay umalis. Sayang, hindi ko nakuha yung number niya.
Natuto din akong manakit ng kapwa ko kaklase, naging presidente ng klase.

Grade ONE - Paborito ako ng teacher ko at paborito ko din siya, quits lang. Sakitin ako noon at laging namumula ang pisngi ko, dahil lagi akong nasa ospital na kukurot ng magagandang nars. Sanay na akong ma-injectionan sa braso at kamay. Kahit tulog ako pwede mo ubusin ang dugo ko.

Grade TWO - BADTRIP AKO SA TEACHER AT BADTRIP DIN SIYA SAKIN. Quits lang.

Grade THREE - Gusto ko yung teacher at gusto niya din ako. Si mam Tina, naging parte ng paglaki ko, salamat sa gabay at maliligayang sandali. Naging friendly ako pagdating ng grade three, may schoolmate kaming malaki ang boobs, hindi ko pa maintindihan yun dati pero hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ang mga kaklase ko dun. Inakala ko lang yun na bilbil niya na mataas ng konti.

Grade FOUR - CRUSH KO YUNG TEACHER KO AT CRUSH NIYA DIN AKO. Hindi yun quits, may asawa na siya.

Grade FIVE - Yung teacher ko, mas matanda pa sa karwahe ni Rizal. Malamang ay kasama siya mga pumunit ng sedula noong panahon ng mga Dinosuars o Lapu Lapu. Ok naman sana siya pero sana lang mas bata yung naging teacher namin. Nakakatawa pa yung klasmeyts ko kasi, laging siyang inaalok ng *'CHOKESLAM' dahil sa pag-aakalang isa yung chocolate bar. Isang araw, nahuli ko siyang kinakalkal ang sariling ilong. Feeling ko nanood ako ng ilong na na-gang rape.

*ANG CHOKESLAM AY PANAPOS NA 'MOVE' NILA KANE AT UNDERTAKER SA WWE.


GRADE SIX - *same as grade two. ~.~

HIGH SCHOOL? eerrr...

*note: noong panahon na ito, wala pa sa GMA at ABS CBN ang mga Koreanovela.

First year - Nag-aral ako kung saan madaming Koreano at Koreana kahit saan ka tumingin. Pwede mo lagyan ng chapa ang mga balikat namin. Hindi sulit ang tuition dun. Na-inlove ako sa Koreana...

Pag finals kasi doon, naka-shuffle kami, kaya suntok sa buwan pag may kaklase ka sa room na naka-assingn sayo. Nagkataong Koreana yung nakatabi ko, sabi ko, jackpot, hindi ko muna tiningnan yung kili-kili para hindi naman ako madismaya. Pagkaraan ng ilang segundo, hindi ko parin sinilip yung kili-kili niya nung tinaas niya yung kamay niya, pero nahulog yung ballpen niya, pinulot ko. Inabot ko sa kanya, kinilig ako sa nangyari pero hindi ko pinahalata. Mas maganda pa siya sa lahat ng Koreanang nakikita mo sa Korena-novela sa TV. Basta, iba talaga. Ayoko na nga siyang i-consider na tao eh. Mabalik ako, bigla niya akong kinausap... Lagyan niyo ng Korean accent ha?

Susan (English name): Ken yu herp mi un dis test?
Ako : Syet, madali lang yan, este, Sure, just dont let the teacher notice us.
Susan : Ok, here's my paper. ( Inayos ko na, para maintindihan...)
Ako : My test is math, here's my paper, no erasures ok?!!
Susan : Ok, dont worry.

Kung hindi ba naman ako sineswerte, eh 'SPECIAL FILIPINO' pala yung subjects niya, yung tipong ilalagay ko yung english version ng "Tumatae ako, iabot mo ang sabon na nasa garahe..." o kaya yung "Naiihi ako, nasaan ang pinakamalapit na MMDA Urinal?"

Sa sandaling yun ay wala pang MMDA Urinals. At sabon sa garahe.

Yun, nilagay ko ang English ng mga yun. Ang mahirap na part ay yung pag-gaya sa penmanship nya. Habang siya, tumutulo ang pawis sa Math.

Naging intersado din ako sa Korean Culture.

BLIND ITEM:
Naging best friend at classmate ko ang sikat na child actor noong araw at sikat na bading na siya ngayon. Walang hiya, bading pala ang gaga. lol Hulaan niyo kung sino siya!!!

Second year - Bumalik ako sa school ko noong elementary, for short, its like going back to hell! Basura, walang kwenta. Ito ang pinaka-walang kwenta sa high school ko.

Third Year - Naisipan kong maghanap ng bagong school, hindi kalakihan ang bagsak ko pero ok naman siya kaysa sa impyerno. Natuto akong maki-salimuha sa ibat ibang klaseng tao, nakilala ako ang wide variety ng tao, kumbaga sa salad bar, marami kang pwede pagpilian at pwedeng ayawan. Walang problema, natutunan ko na mas masarap ang salad pag madaming mayo, at pag hinalo ito maiigi.

Yung mga kaklse ko, tinuring kong mga kapatid, astig sila, kanya kanyang trip, walang teacher's pet, walang corny, walang kj, walang bungangera, walang maingay. Wala ang mga bagay na ayaw ko. Marami akong nakasabayan ng trip, kwela lahat ng kaklase, may abnoy, may mukhang galing sa rehab, sa ilalim ng lupa at kung saan pa.

Fourth year - Basura ang JS Prom. Heartbroken, depressed, adik ako, pero hindi sa droga, adik sa solusyon sa problema.

Kung mapapansin, wala akong nabanggit tungkol sa naging girlfriend ko dahil...
NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH PO AKO.

Gusto ko na magkaroon.
GUSTONG GUSTO!!!


~ kaka-antok na... waaah...

Monday, January 08, 2007

Eyeball sa Quiapo kanina! nakapunta ka ba? at kili kili matters...

Yes, walang pasok ngayon dahil sa parade of stars ni poong Nazareno sa Quiapo na malapit lang sa kolehiyo ko.

http://www.estanli.net/photo/index.php?showimage=365

i-click ang link para makakita ng picture sa tapat ng simabahan na puno ng tao. Maganda din tong site na ito.

Yey, masaya to, panahon para mag-blog at magpahinga, uminom ng extra joss at magyoyo buong hapon.

Meron lang akong hindi maintindihan, bakit kailangang mag grand eyeball ng ganoon kagulo yung mga devotees ng Poong Nazareno. Kunsabagay, bakit ko ba ito pinoproblema.

Sa ngayon, kasalukuyan akong niyayang pumunta sa Mall Of Asia. Pupunta kaya ako? Malamang hindi dahil tinatamad ako.


Nakakatawa nga pala dahil nakwento ko na pumila ako sa city hall para makapagregister at maging botante, ayoko talaga bumoto, hindi dahil walang kwenta ang iboboto kundi ayokong malagyan ng ink ang mga daliri ko sa araw ng botohan. Umalis ako sa bahay ng 3:30 AM. Kahit paniki tulog pa nun. Pero pinilit ko ang sarili ko para matapos na ang kalbaryo. Pagdating ko sa pilahan, yes! tahimik, ako yatang una, ngunit paglapit ko ng konti ay nadismaya ako. Nakahiga pala yung mga kawawang dun na natulog para lang mauna. Hindi naman ako nabadtrip dahil hindi gaanong mahaba yung pila at maikli yung shorts nung isang chikas dun. Meron ding umistorbo sa pagkaka-upo ko sa sahig. Di ko maintindihan kung bakit maraming lumagkit tumingin sakin ng umagang yun. Agad kong tinext isa isa ang mga alagad kong kasama sa pagpila para naman matapos na din sila.

Photobucket - Video and Image Hosting
TAHO, 4:30 ng umaga. Sulit. Mukhang ng maliwanag dahil sa Night Mode. lol


Photobucket - Video and Image Hosting
Yan ang pila sa loob, wala pa yung sa labas na ubod ng haba. Imagine from UST to FEU ang haba.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mapagbiro talaga si haring araw...



Photobucket - Video and Image Hosting
BASAHIN MO MAIIGI. Papaano pa makikita yan kung naapak-apakan na?...

------------------------------------------------

Maiba tayo, naging maganda ang start ng midterms para sa akin dahil noong prelims talagang tinatamad ako pero ngayon, ganadong ganado, bumibingo ako ng recitation simula pa last week. Sayang nga at 2 meeting na absent yung kaklase kong Koreana. Hahaha, balak ko pa naman magpa-sikat sa kanya.

Ewan ko ba kung kinalaman yung bagong gupit ko sa bagong performance level ko sa klase, yung tipong pag nagtanong yung prof ko, kahit wala pa akong sagot na naiisip ay bigla akong magtataas ng kamay at pag nakatayo na ko, dun ako iisip ng sagot. Suicidal nga ang dating eh, parang sugal.

Kahapon, masaya, lakas ng trip kasama ang mga taga-Munting Paraiso, isang samahan at tambayan sa FEU na matatagpuan sa Freedom Park. Dahil sa trip na yun, nagawa pa naming magpa-picture sa mga magagandang Tourism students... Na hindi namin kakilala.

Photobucket - Video and Image Hosting
From left: Imbek, Jet, Robert a.k.a Papa Piolo, Wawi, ako at J.R a.k.a Brownman.
Yung tatlong babae, si Jessa lang yung naalala kong pangalan... Siya yung nasa ibaba ko.

Photobucket - Video and Image Hosting
KAPAL ng mukha ko diba???

Photobucket - Video and Image Hosting
Here's Jessa trying my yoyo. ~.~

Photobucket - Video and Image Hosting
IMBEK = RECYCLABLE

Yan ang mga pinag-gagawa namin kahapon, worthwhile naman dahil mahaba ang vacant period ko. Imbes na magyoyo at pagpawisan, nangulit nalang.


Gusto ko din ipaalam sa inyo ang isang bagay. Basahin niyo muna yung pinakataas ng page na ito sa ibaba ng "MUNTING PARAISO" bago mo basahin ang sumusunod.

BAKIT AKO MAHILIG SA KILI-KILI NG BABAE?
- Yan din ang tanong na bumabagabag sa utak ko. Malamang yan ang hinahanap ko sa babae, yung malinis, hairless at mabangong kili-kili. Nag umpisa ang pagkahilig ko noong 3rd year high school ako. Nakita ko yung kili-kili ng crush ko, malinis, panalo, tapos sa iba kong klasmeyt, errr... ahh... umm... ahh... wala, basta, ayun. Simula nun. Kung yung iba, boobs, pwet, batok, bewang at paa ang pamantayan sa isang babae. Pwes, pinagmamalaki kong KILI-KILI ANG GUSTO KO!

PAANO KA NAKAKA-ISPAT NG KILI KILI SA PANG ARAW ARAW?
~ Ewan, may skills lang talaga ako, pag feeling kong mag aayos ng buhok yung babae or magrerecite, ha, siguradong huli ka! hahaha!!! Trip ko din yung pawis na kili kili na mabango, hahahaha! Minsan naman sa LRT/MRT, jeep at bus ako nakaka-ispot.

BAKIT SA DAMI-DAMI, BAKIT KILI-KILI PA?
~ HINDI KO DIN ALAM!!! Basta maganda ang kili-kili naiinlab ako.

SINO ANG MAY DA BEST NA KILI-KILI?
~ SI JINKY!!! hahaha! Sa tambayan namin, panalo lahat. Malinis. Sa ngayon ay magaganda ang nakikita ko. At yung nakilala ko sa debut, nahalikan ko yung keli-keli niya, nang ilang beses... ^.^

DA WORST NA KILI-KILI?
~ AYOKO MAALALA!!!

ANONG MADALAS MONG GAWIN SA KILI-KILI NG MGA KAKILALA MO?
~ Nilalagay ko yung hintuturo ko, ikikiliti ko, aamuyin ko. Pag basa, ok lang, di naman mabaho yung mga kaibigan ko.

------------------------------------------------------------

*note: sa babae ko lang ginagawa to, kadiri naman siguro pag sa kapwa lalake diba?

Sige, magpopost ulit ako maya maya...

Tuesday, January 02, 2007

foodtrip, Ecopark trippin', at pilahan sa City Hall.

Bago ang lahat. Astig ang USB Bluetooth Dongle ng CD-R King. Kahit mahaba yung pila, sulit! For 320 pesos, you can transfer vids, pics and mp3's from your phone to your pc, vice-verza. Hahaha! Plug nanaman??!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Dahil dyan, makakapag-post na ako ng pics! Wahooo!!!


Nung nakaraan, tumugtog yng Juana, Blue Ketchup, Protein Shake at Sandwich sa FEU. Kaya naisipan kong manood, actually Juana lang talaga gusto ko mapanood. Pagdating ko ng Morayta, may nakasalubong ako na pamilyar ang mukha, pero hindi ko maalala... Pagpasok ko nung skul, sinamahan ko naman si Bhes para lumabas, at nakasalubong ko nanaman yung babae sa loob naman ng campus. Then, *ding~*, napa-mura ako ng malakas, napasigaw ako ng "PISO!" mura eh. lol. corny, bigla akong umikot ng 180 degrees at hinabol ang nasabing babae. Si Sheila, drummer ng Juana. Syempre nagpapiktyur ako. I was talking nonsense tapos ayun. Ambait!!!

eto, some pics with Juana...

Photobucket - Video and Image Hosting
Medyo mahiyain si Shirley! Hahaha!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kahit madilim, sulit sa backstage!!!

eto naman with Raimund Marasigan...

Photobucket - Video and Image Hosting
Medyo marunong magyoyo si Raimund, nagtricks siya ng konti, kaya lang... Unresponsive yung yoyo ko.

Nakatawa kung papaano ako napadpad sa backstage ng hindi ko namamalayan. Akala ko sasamahan lang namin ni Razhelle yung 'kaibigan' niyang drummer ng Blue Ketchp na si Levy na eventually, naging kaibigan ko na din. The next thing i know, nasa back stage na ako. Isa sa office at isa literally sa likod ng stage. Hahaha! Loko tong si Razhelle, pinagmalaki ako sa mga banda na nagyoyo daw ako, gumatong pa si Levy! Kaya napilitan akong magyoyo sa masikip na lugar. Tuwang tuwa ako sa reaksyon nila, lalo na sa mga kembot ko, lalo na sa reaksyon ni Sheila ng Juana. Nung natapos yung set ng Juana, nagpapiktyur naman akong kasama si Shirley, nung una akala ko masungit siya, nung niyaya kong magpapiktyur, biglang naging kwela. Cool. At tinawag ako ni Sheila para bumalik sa office at magyoyo daw.

Dun ko naman nakita ang Sandwich, kinausap ko agad si Diego, ako kasi yung makulit na caller dati sa "Flokskake" thingy na isang radio program sa NU 107 back then with Quark Henares at Andy. Naalala niya ako at nakipagkamay ako. Tapos, pinagyoyo na ako ng Juana, pinapakembot ako ni Sheila, hahaha, dun ko naman na kuha ang atensyon ng Sandwich, tinawag nila ako at pinag 'show', sabi ni Raimund, "whoow, wow, woooo, pwede! pang video to!!!" Hehe, natuwa naman ako. Heheheh!!!

Pasensya na, makwento eh!!!


SALAMAT ULIT SA JUANA! woooohoooo!!!

___________________________________________________
Taragis, nabura yung tinatype ko, ang haba na eh! Nakakatamad na tuloy.

Itong nakaraang mga araw, madaming nangyari, pero boring parin.

CONGRATULATION nga pala kay SEAN PEREZ! Nanalo siya sa Asia Pacific Yoyo Challenge sa Genting, Malaysia. Dun yung grand eyeball ng magagaling magyoyo sa Asya. 3rd place sa Offstring Division. Galing mo idol! AYMPRAWDOPYU!!!

dahil dyan, pinipilit ako ng mahahaba kong daliri para magpraktis. ~.~

Eto nga pala ang mga mababangis kong foodtrip ngayon. ~.~

Photobucket - Video and Image Hosting
Vietnamese Jackfruit thingy chips. Di moko mapapakain ng langka, pero dahil sa chips na to, kaya ko na magreact ala-Kuroyunagi ng Yakitate! Japan.
*Maraming salamat kay CJ at Sarah para dito, 3 balot na ang nauubos ko. lol. pati na din sa brownies! ~.~

Photobucket - Video and Image Hosting
Futomaki Sushi. Wasabi still sucks for me. Lol. Yan ang masarap na foodtrip sa kama. ^.^

Photobucket - Video and Image Hosting
Ganyan din ang tamang pang-iinggit! lol!!!


Photobucket - Video and Image Hosting
Hindi ko trip at lalong hindi akin yan. Hehehe, grabe ka Steph. Ipalaman daw ba ang fries sa burger???

sayang at walang isaw akong nakuhanan, dahil nakuha na ito ng aking tiyan. :p


Photobucket - Video and Image Hosting
GIANT GRAHAM CRACKERS!
*matatagpuan sa Arts Building ng FEU.

_________________________________________________

Ilang pics noong debut ni Onessan Razhelle!

sa wakas ay na upload ko na din. Ahihihihi!!!

HINDI KO NA IPOPOST YUNG NANGYARI AFTER NG DEBUT. ALAM NIYO NA YUN. AHIHIHIHI!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Can you still see my hands??? Yeah, i love it...


Photobucket - Video and Image Hosting
I repeat, can you still see my hands?????? ~ wahaha!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Onichan ~ Onnesan.


Photobucket - Video and Image Hosting
Levy on drums, Bhes Jhoanne on lead guitars. ~ Subrosa

Photobucket - Video and Image Hosting
Tencho plus Razhelle!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Razhelle, the debutante, i love you onnesan!!!

____________________________________________________

sa Ecopark naman, masaya kasi madaming pwedeng gawin. Naka-away ko pa yung nasa entrance dahil sa sistemang kahit san tingnan ay medyo... MALI!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Jinky, i love her underarms. lol

Photobucket - Video and Image Hosting
pacs. jnx. longboy.

Photobucket - Video and Image Hosting
Jinky, Rubert, Tina at ako. Ang nagmamay-ari ng gubat na to!

Photobucket - Video and Image Hosting
ako at si Karenkeng!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Si Jinky at Tina sa bangka, isa sa mga atraksyon para sakin ang bangka-bangkaan at sagwan-sagwaan at ang kili-kili ni Jinky na mayat-maya ay naka-display.

_____________________________________________________

Photobucket - Video and Image Hosting
yan ang ginawa ko nung na-bored sa pila...

Eto, pahabol pa, grabe yung pila sa City Hall para makapag-register bilang botante, 3 araw akong pumila, hindi ko pwede patayin yung mga sumisingit, dahil cute sila, este, pinaparinggan namin yung mga singit, at mukhang singit. Yung ibang bayolente (violent) ay talagang nanunugod gawa ng sobrang pagod at frustration.

Kung ako yun, pagsasapakin ko sila eh, kaya lang wala akong kasama noon, walang aawat sa akin.

Pero meron din akong ilang nakasama, ang nakakatawa, ilan sa kanila ay kapwa FEU ko din, kaya lang Nursing. lol

Isa lang yung nakuhanan kong taga FEU...

Photobucket - Video and Image Hosting
si Lalaine, di taga FEU, pero ok din kasama, kung di dahil sa kanya, lalo kaming mahihirapan sa pagpila.


Photobucket - Video and Image Hosting
with Steph... Kawaii!!! Taga FEU din!



tinatamad na ako magtype...

~ JLongboy