Saturday, July 07, 2007

Remedial Class.

Ito ay base sa aking panaginip. Kwentong bumbero. Aking imahinasyon.

--------------------------


Nakatulog nanaman ako sa classroom, ang sama ng pakiramdam ko. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko pero di ko maingat ang ulo ko sa nangangawit kong braso. Pagtingin ko sa prof ko, pinuna niya na punasan ko ang pawis kong noo. Madalas kong tanungin ang sarili ko na baka palabasin niya ako ng room. Mabuti di niya pa ito napapansin.

Mabait ang prof ko, siya si Mr. Geraldo Obet Domingo. Siya lang prof namin sa buong unibersidad. Kengkoy si Sir, mapaglaro, pero pag nagseryoso eh parang gugunaw na ang mundo. Madalas din siyang sambahin ng karamihan dahil sa angkin nitong talino.


Ang section namin na napabilang ako ay para sa remedial class na ito ay para daw sa mga kabataan na nawawalan na ng pananalig o paniniwala sa nilikha. Karamihan sa klase na ito ay mga hindi halatang nawawalan ng pananampalataya, yung iba mga mahinhin, matatalino, masipag mag-aral, mga tahimik sa klase, ang iba ay matatanda na. Kailangan daw kasi nila ang subject na ito para matuloy ang M.A nila. Para saan ba talaga ang subject na ito? Bakit alam nila na hindi na kami sumasapalataya?

Nakatabi ko klase si Ziggy, katulad ng iba sa klase ay hindi siya naniniwala sa relihiyon. Bakit kaya siya nauwi sa ganoong desisyon?

Nagtanong si Sir, o tawag ng iba, na si Sir G.O.D, "Bakit di kayo naniniwla sa diyos? O bakit o papaano nawala ang paniniwala niyo?"

Biglang may pumasok sa klasrum, kakilala pala ni Sir. "Hay, sa wakas at dumating ka na din, medyo dyahe na kasi eh. Di ba sabi ko agahan mong dumating?"

Emo ang hairstyle ng pumasok na lalaki, medyo malaki ang katawan, yung print sa shirt niya ay may puso na design. Sa bandang gitna. Siya si Chris Toh, nakakabadtrip yung ayos ng buhok niya at eyeliner. At pinakakilala na siya ni Sir G.O.D, "Oh class, siya ang tutulong sakin na ipaliwanag sa inyo ang kahalagahan na ispiritwal nating buhay para sa sarili niyo, para din ito sa kabutihan niyo."


"Mas mukha pa ngang walang relihiyon samin yan eh..." bulong ng isang dalagitang cheerleader sa likuran ko na medyo malaki ang boobs.


Palibhasa ay inaantok pa ako ay ngayon ko lang napansin ang text message sakin mula sa kaibigan kong Chinese na si Sun. Sabi niya sa mensahe ay "Hey, I am here at the back... ^^", pag lingon ko ay kumakaway siya sakin, kaya nag-reply ako "Nice to see you, so hows the subject?"


Sumagot siya, "The professor is asshole, I dont need any religion, I'd rather fart in front of you guys rather than taking this subject."


Natawa ako pero hindi ko na nireplayan, hindi nga pala ako nakapag-unlimited. Pero may nagtext na naman sa akin, "Hey dude, open your Bluetooth, i want to share some new porns, i know you love Japanese! Fuck the prof! He sucks!", at ang kaibigan ko ding Intsik na si James na kababayan ni Sun.


Hinanap ko siya sa paligid, ayun, naka-upo pala sa gilid. Naka-ngiting manyak, binuksan ko na ang Bluetooth ko.


Maraming sinasabi ang prof pero wala na akong pakialam, tutal naman mukhang ipapasa niya kami kahit walang gagawin sa klase. Ikanga, BONUS STAGE ang subject na ito. Madali namang sabihin pagkatapos ng semester na naniniwala na ako sa diyos, tapos medyo iiyak ng konti para mas dramatic. Tapos konting hikbi pa para mas kapani-paniwala. Iniisip ko kung isa samin kunwari ang mahihimatay. Para mas epektib, uno agad kami nun.


Madaling sabihin na naniniwala ka, may iba naman na ipinamumukha sa lahat na naniniwala sila, may iba naman na tahimik pero malakas ang pundasyon sa diyos. Pero minsan mahirap sabihin kung sinsero nga ba ang isang tao. Madali tayong maghusga.


Nagtext na naman si James, "Fuck, cant understand anything from him, cant he see that there is a foreign student in here?"


"Show him your longest finger man, big time!", sabi ko.


Nakakabagot, parang makakatlog na naman ako, wala man lang ganado mag-recite sa kanya. Napansin ko ang mga kaklase ko na taimtim na nagtetext at nakikinig sa kanilang mga iPods.


"Sir, pwede po ba malaman ang religion niyo?", tanong ko.


Tiningnan ako ng mga kaklase ko na parang may masama akong ginawa. Nakumpleto na pala yung Bluetooth na nasend ko at nagpaplay na pala yung video, naka-high pa ang volume. Pero hindi naman yata dahil dun kung bakit ganoon ang tingin nila sakin.


Lumapit si Sir sakin, "Kabilang ka ba talaga sa klase ko?", habang hawak ang kanyang seat plan.


"Sir, hindi po...", sabi ko.


"At bakit nandito ka?"


"Kasi hindi ako naniniwala sa diyos, nagpa-sched na ako kay kuya Ferds pero hindi na daw kasi ako kasya sa block na ito..."


"Ah, ganoon ba... Lumabas ka dito."


"Opo...", kinuha ko ang bag ko at binutones ang dulo ng polo ko.


"Pero sir, bago ako umalis, may tanong po sana ako sa inyo ni Chris."


"Sige, ano yun?", banat niya na medyo aburido.


"Eh Sir, bakit yung ibang tao sa ibang bansa? Wala silang relihiyon, di nila kilala ang diyos, bakit maunlad sila? Papaano sila matutulungan para makilala ang diyos? o dapat pa ba nila ito makilala? Hindi ba't ginamit ang relihiyon para masakop ang ibang bansa noon? Ginamit na kasangkapan ng relihiyon ang mga tagasunod nito para sakupin ang iba... Ano naman ngayon kung walang relihiyon ang isang tao? Gusto ko sana ihalimbawa ang bansa sa Asya, naka-focus sila sa pag-aaral, pamilya at pera. Pero hindi dahil dun ay masasama sila, alam nila ang tama at mali, hindi nila kailangan magpaka-subsob sa relihiyon para tawaging ganap na tao... Dibisyon lang ito ng mundo patungo sa..."


Sumabat si Chris, "Magkita tayo later..."


"Saan po?", sagot ko.


"Hanapin mo sa Morayta, maglalaro tayo ng table tennis..."