Saturday, February 24, 2007

Part 2 : FX, ANNOUNCEMENT at kwentong...

Langya, naalala ko pa nung huli akong sumakay sa IMPYERNONG FX. Eto ang nakalap kong mga pictures.

Photobucket - Video and Image Hosting
Sa likod ako naka-upo. YAN! YAN ANG SINASABI KONG LINTIK NA AIR CON! WALANSYAK! Parang air compressor na sobrang init ang lumalabas!

Photobucket - Video and Image Hosting
Yan naman ang pic na medyo di malaman ang gusto kong makita mo. Binuksan na ng babae yung bintana. Imagine kung gaano kainit? pansinin na yung lock ng window ay naka-slide pa right imbes na naka-lock siya pa-left. Gets? Haha!

Photobucket - Video and Image Hosting
Sa tingin ko, hindi sulit ang ibabayad ko...


Grabe kahapon, lupet ng foodtrip namin ng kapatid kong si Rei, haha, kumain muna kami ng Calamares tapos napadaan kami sa isang cafe.

Ok naman yung cakes, napapakain nga ako ng brazo, kaya lang saksakan naman ng init nung lugar. Actually wala siyang aircon. Ah basta, it somehow reminds me of some Tamaraw FX. lol. Kaya naisipan na naming kumain ng ice cream sa Mini Stop.

Photobucket - Video and Image Hosting

Pagkakain at kwentuhan ay bumalik na kami sa tambayan. Hehe... MUNTING PARAISO!

Announcement.

I recieved a very sad news from Juana's drummer, Sheila, Their band is looking for a new female vocalist. IF you're interested contact them:

juanarocks@yahoo.com

send in your pictures and resume.

Thanks. contact them ASAP.
If we know each other and you want to get in touch with them you can simply contact me and i'll tell Sheila about it.


~ JLongboy.

p.s BAGONG KUHA!

Photobucket - Video and Image Hosting
Humiga lang ako sa Freedom Park, then presto!

Photobucket - Video and Image Hosting
Crush kong foreign student. Bihra lang ako makakita ng magandang pure Chinese.

Tuesday, February 20, 2007

wHat’s ThE pOinT?

Madalas tayong makakita ng text na may ibat ibang pag gawa ng sa SMS, Friendster o kahit saan pa na pwede lapatan ng teksto.

Halimbawa: "oH, KmUsTa kA nMaN? KuMaIn KnB?"

Marami na akong naka-text na madalas ay kababaihan na ganito magtext. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ganito sila magtext.

Minsan ay napipikon ako sa kanila dahil sa sobrang paglalagay ka kaartehan sa text eh halos kalahating oras na sila magreply. Naisip ko, bakit kailangan pa ganyan ka kikay?

That’s BULLSH*T.

Meron akong limang dahilan kung bakit ganito sila mag-text.

1. Nagpapa-cute
2. Nagpapa-cute
3. Nagpapa-cute
4. Nagpapa-cute
5. Para may sariling identity.


Hindi ba nila alam na masakit ito sa mata?
Hindi ba nila alam na mukha na silang tanga?
HiNdI bA NiLa NaPaPAnSin YuN???

Okay, fine, kahit papaano ay mapapatawad ko ang mga babae na ganyan magtype/text.

PERO KUNG LALAKI?! PUTRAGIS YAN!


Next week, magiging busy kami ng ka-partner ko na gumawa ng short film. Maganda yung concept para sa akin. Excited na ako kumuha at mag edit.

YeAhBoi!


~ JLoNgBoY.

Sunday, February 18, 2007

Kwentong kulukoy. Kwentong TRIPOD.

Kanina ay naisipan kong pumunta sa SM Fairview upang maglaro ng Battle Gear 3 (Arcade game), i-claim ang sirang MP4 sa CD-R King at maghanap ng murang TRIPOD.

Ang tripod ay yung ginagamit na stand ng mga camera. Naranasan mo na bang magpa-pictorial sa mga studios? Kung hindi pa, hindi ko na problema yun.

Kanina, ng nagawa ko na lahat halos na kailangang gawin ay naisipan kong isa-isahin ang mga photo shop sa nasabing mall. NGUNIT, isang pagkakataon ang hinding-hindi ko malilimutan.

Malayo palang ako ay nakita ko ng sinag ng mukha ng magandang saleslady sa bukana ng kanilang shop na hindi ko na babanggitin. Baka kasi dumaan kayo doon at tawanan niyo eh. Tapos sabay sumbong.

Pagpasok ko ng shop ay nagtinginan lahat ng customer sakin na naka-upo sa likod ng stante ng display nila ng camera. Sabay bati naman sakin ng babae ng "Good Afternoon Sir!"

Gusto ko sana siyang sagutin ng "Pinapainit mo ang katawa... este ulo ko..." Medyo kasi badtrip na ako sa kahahanap ng murang tripod na medyo mataas.

Nang hindi ako makakita ng tripod sa display, nanlamig ako, natakot... Joke lang!

Nang hindi ako makakita ng tripod sa display, nagtaka ako, nabugnot...

Kaya naisipan ko nang tanungin ang napaka-gandang saleslady. Natuwa ako sa aura ng ngiti niya, tapos yung mata niya na talagang nagpakilig sakin, lahat ng buhok ko sa katawan ay tumayo. Kulang nalang ay bumili ako ng film kahit di ko naman kailangan.

Eto ang isang maikling kwento:

Ako: Ah, miss, wala ba kayong TRIPOD???

Saleslady: Ho? iPod?

Ako: *pinigilang tumawa* *tumingin sa malayo at napasigaw...* TRIPOD!!!

Saleslady: *napahiya pero todo ngiti parin* Ay, wala po yata, wait lang po... ahehe!!!

Ako: Ah, sige lang... ahihihihihihi!!!

Manager: Tripod? eto lang eh. *inabot ang tripod na pwede ipasok sa pwet ng saleslady*

Saleslady: Eto lang po sir eh, ahehehe!!!

Ako: O sige, di bale nalang... Ahihihihi!!!


Ang sama ko para tumawa pero grabe na talaga ang impact ng iPod sa mga tao.

Nabibingi na sila.


BWAHAHAHAHA! Minsan ay dadaan ako ulit doon para lang tumawa.

Kahapon ng umaga, pagka-galing ko ng UP Fair ay kinailangan kong dumerecho ng Morayta para lang umatend sa imposibleng praktis. Masaya naman, pero nauwi sa pag-gawa ng props ang imbes na praktis. Yeahboi. 8AM palang ay nasa Jollibee na ako tulad ng napag-usapan. Pero langya, alas-diyes na kulang parin kami. Kaya ayun, walang tulog.

Photobucket - Video and Image Hosting
Liezel at Lorbel sa Jobi. Mga groupmates...

Photobucket - Video and Image Hosting
Ginagawa nila ang mga props sa bahay ni Joseph. Busy sila no?! Haha!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ako yan, napalaro na ako ng yoyo ng mag-SM kami nila Lorbel pauwi.

~ haaay... iPod?!!!! Taena, di ako makatulog pagna-aalala ko yun. Siguro di masyadong nakakatawa kasi di kayo ang naka-experience. hahaha!

-JLongboy

Wednesday, February 14, 2007

My first UP Fair and some photos...

Takte, andaming jumping jologs na walang ginawa kundi mag-slam.

Mga poser naman ang mga hinayupak na yon. Ayos yung sponsor at mga bandang tumugtug.

EXCEPT sa banda na hindi ko inaKALA na magagawa ng bokalista yun.

Tama bang ibato ang microphone sa crowd? Tinamaan tuloy ang isang babae sa harapan.
Bastusan, kung ako ang tinamaan, magwawala talaga ako. Tatakan ko siya ng mikropono sa noo. Ang yabang kasi, kaya hindi sumisikat eh.

Ok naman lahat, nalungkot ako sa pagpaalam ng CAMPUS RADIO sa airwaves. Nag-babay na si Triggerman. Nalungkot ako kasi naging parte ng buhay ko noong high school ang pakikinig sa Campus Radio lalo na sa isa't kalahating biyahe ng school bus ko.

Nang matapos ang Fair noong gabing yun. Naisipan kong tumambay mag-isa sa Sunken Garden. Weird na kung weird pero na-iingit ako sa mga may kasamang kasintahan sa damuhan. Kaya naisipan ko nalang kumuha ng mga piktyur.


Photobucket - Video and Image Hosting
Kuha ko sa Sunken Garden. Hindi po multo yung nasa gilid.


Photobucket - Video and Image Hosting
Katabi ko ang nakatambak na yelo...


I need comments for these photos:

Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting


itong dalawa sa itaas ay kuha ko ng wala akong magawa sa Sunken Garden...


Nga pala, gusto ko i-share ang mga ARTISTIC KUNO ko na mga kuha gamit ang cameraphone ko na Motorola E770.

Comment("PAPALAG" link) naman kayo sa mga kuha ko or sa tagboard --->

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting


Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

Ang iba ay kuha sa school building namin, sahig, chapel, mailbox at reflection ng salamin ng fog lamp. Ahhh, basta.

Sana nagustuhan niyo. thanks... COMMENTS naman po...


~ JLongboy

Tuesday, February 06, 2007

Ang kwentong FX. at konting jeep.

Hey, check out this website that talks about Pinoy transportation
http://www.donmacadam.com/vehicles.htm

Ako na biyaheng Fairview to Morayta...

Sa araw-araw na pagpasok ko sa kolehiyo, isa’t kalahating oras ang biyahe mula Morayta mula sa amin. Nung high school ako, gusto ko talaga ng malayong eskwelahan, yung tipong hindi ka ma-eespiya ng magulang mo at walang nakakakilala masyado sayo.

Sa ngayon, pinagsisihan ko na ito.

Grabe ang biyahe mula Quezon City hanggang Manila. Kung mahina lang ang katawan mo, kahit hindi ako nagmamaneho ay mararamdaman mo ang pagod. Kaya kng minsan ay hindi ko masisi ang drayber pag sobra ang sukli sa akin. Pero ayos lang yun. *nigiting demonyo.

Kelan lang din ako natuto mag-komyut, 2nd year high school ako. Only child kasi ako at bantay sarado ako dati. Kahit pagtawid ay kelan ko lang din natutunan. Pero hindi nagging ‘factor’ ito kung ano ako ngayon. At hindi kasama dun ang pag-1-2-3 sa jeep.

Sa ngayon, sasabihin ko ang aking hinaing sa mga pampasaherong sasakyan.

Uunahin ko na ang FX Taxi.
Ang FX ay naging ‘term’ na ng Pinoy sa isang AUV na gawa ng Toyota na Tamaraw FX. Kaya kahit Mitsubishi Adventure, Toyota Revo at Isuzu Crosswind at Hi-lander ay tinatawag na FX. Orihinal na taxi ito na ginawang ala-jeep kung saan ay meron din silang black at yellow-green na placard na kung saan ay palihim na pinapakita sa pasahero kung may LTFRB o PULIS sa daan. Ewan ko ba kung bakit ko pa ito kinekwento.

Photobucket - Video and Image Hosting

Okay naman sa FX, kaya lang kung minsan ay:

1. Badtrip ang sounds. Kung jologs si Manong at nakalagay sa mga istasyon ng radio na may nagpapatawa ng impakto, pustahan, kahit kasing babaw ng baso ng espresso ang tawa mo ay susumpain mo ang impaktong yun. ANG NAKAKAPIKON KASI, CORNY NA NGA, PINIPILIT PANG GAWING NAKAKATAWA!

2. Kung old school ang nasakyan mong FX, yung tipong tagpi-tagpi ang interyor at kaha, malamang eh nasakyan mo ang mala-impyernong FX. Yan ang kasumpa-sumpa sa lahat. Kaya ka nga sasakay dahil gusto mong malamigan at ayaw ma-dyahe ang buhok at damit mo. Aba, daig pa nito ang sauna. Yun nga lang, sa aircon galing ang init. kahit si Satanas ay di sasakay dun. Binabaan ko ang mga ganyan, feeling ko, dapat nag-jeep nalang ako.

3. Takaw-Holdap. Ako kasi yung tipo ng tao na mahilig mag-obserba sa paligid. Kung mukhang malayong kamag-anak ng terorista ang isa sa kasakay ko, bumababa ako, nagbabayad lang ako para bumaba sa malapit na ‘safe’ area. Naks.

Sige, tamang hinala na kung tamang hinala, totoong nangyari ito sa akin.

Habang nag-aantay ako sa Lerma para makasakay ng FX, pinara ko ang isang Adventure na kasing itim ng budhi ng makaksakay ko ang tint. Pagsakay ko sa gitnang parteng upuan ay may dalawang lalake at isang babae at ako. Nung pagsakay kong yun ay na-feel ko na ang isang masamang hangin. Hinihila ako pababa ng paa ko. Lalo pa akong kinabahan ng ni-lock ng babaeng katabi ko ang pinto. Sa isip ako, “Putcha, wala ka ng pakialam kung mahulog ako dito” Hindi ko inisip na concerned sakin yung babae kasi cute ako nung gabing yun pero pumasok sa isip ko na… SYET, iba na ito.

Medyo patay malisya lang ako, iniisip ko kung saan magandang bumaba, sa Welcome Rotonda? Sa Sto. Domingo? O sa Pegasus nalang kaya? Nang mauubusan na ako ng lugar na iisipin at nalagpasan ko na ang mga nasabing lugar ay medyo nagpa-panic na ako ng palihim. Maya-maya ay parang magka-text ang dalawang mokong, akala mo nagliligawan lang pero mukhang nagbibigay na sila ng senyales samantalang ang mga babae sa likod na upuan ay puno ng mga Ilokano, syempre maingay yun at hindi nahahalata ang aking nakikta. Yung babae naman, medyo may itsura pero halatang magkakakilala silang tatlo. Nagkakapalitan na kami ng tingin ng dalawang kumag tapos tingin sa malayo. Ilang beses ko silang nahuli na tumitingin sa bag ko. Sinisipat nila.

Nang malapit na kami sa Philcoa, nilabas ko ang coin purse ko, anak ng tipaklong, hindi ko sana ipapahalata na kukuha ako ng pera pero yung mga perang papel ko na lukot-lukot ay puro BAGO nga pala, nagtunugan ang pera na parang virgin sa lukot, sabay tingin yung tatlong animal, alam na. Kaya kumuha agad ako ng bente at binayad sa tarantadong drayber sabay sabi ko ng para nalang sa tabi.

BAKIT NAMAN NAGING TARANTADO ANG DRAYBER???

Kasi, imbes na ikabig ang manibela patungo sa babaan ay kinabig niya ito papalayo at apak sa gas at gumilid sa center island. Biglang di mapakali yung tatlong hayop, napa-isip ako. Kasabwat ang may hawak ng manibela.

Babae ang katabi ko, kayang kaya kong baliin ang leeg at gamitin ang bolpen ko pang-hostage sa kanya.

Hindi nangyari yun at imbes, nag-usap sa mata ang mga halimaw. Nang tinabi na ng gagong drayber ang sasakyan ay lumikot ang tatlong talipandas. Nakakapikon pa ay madulas ang kamay ko at ang hirap i-angat ang lock. Natagalan ako ng 3 seconds at nanlalamig pa ako noon. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng temperatura ng katabi kong babae. Nang mabuksan ko ang pinto ay nakatingin sila ng masama sakin. Imbes na tingnan din sila ng masama. PINAKITA KO NALANG ANG PINAKA-MAHABA KONG DALIRI.

Clue: Dun kinakabit ang tali ng yoyo.

Pagkatapos nun ay agad akong sumakay ng jeep pauwi. Baka kasi sundan pa ako.

Sa kabilang banda, never pa akong nahoholdap.

At marami parin ang nagkalat na FX na maganda, malamig at maasahan sa tuwing sa tingin mo ay late ka na.

SUSUNOD!

Ang pambansang sasakyan ng Pilipinas. Ang JEEP!

Isa lang ang ayoko sa mga jeep.

Yung sobrang bilis magpatakbo. Hindi ko alam kung natatae yung drayber o gusto niyang abutan ang Princess Hours.

~ JLongboy

p.s

Joke ito ng ka-office mate ng nanay ko. Ano daw ang tawag sa singular na FX?

Answer: Edi, EF-EK!

Saturday, February 03, 2007

Koreans are here to stay. IM GLAD! REALLY!

Back when I was in 1st year high school, our school is somehow can be differentiated with three species. Pinoys, Feeling-Kana/Kano and Koreans.

Ok, back in our programming.

"Koreans are everywhere!" - according to Miguel, my long lost friend. Partida, nasa Australia pa yan!

Sa totoo lang, walang problema sa akin ang mga Koreans kahit pa magkaroon pa ako ng kapitbahay.

Koreans are here to stay. Astig yun. Masaya naman sila makasama eh, nagkaroon na ako ng classmates/kaibigan na Koreans. Ngayon, kahit saan ka tumingin, nagkalat sila. Kahit sa mall ka pumunta, andun sila. Kahit saan na may yosi-han, makikita mo sila.

Nung 1st year ako, may kaklase akong Koreano na may english name na 'Mark', matalino siya, demonyo sa math, anghel sa english. Isang araw ay nasa swimming pool kami, yun kasi ang P.E namin pero napa-aga yata namin sa klase kaya tambay muna kami sa parang silong. Nang walang magawa, napagtripan ng mga kaklase ko na magsuntukan sa braso, walang personalan. Itong Koreano ay tahimik lang. Mukha nga siyang nerd kasi maliit na nga siya (5'1), nakasalamin, mukhang kapapanganak palang sa kanya ng bigla siyang yayain ng kaklase ko sa nasabing laro. Ako, bilang spectator lamang ay nanood lang habang nangboboso dun sa artista kong schoolmate na lumalangoy nang makarinig ako ng...


~ *ARAY, SYEEET!!


Bigla akong napatalikod sa lakas ng impact at reaksyon ng kaklase ko.

Sumali nga si Mark. Sa liit nyang yun ay ga-higante naman ang biceps. Daig niya pa ang nag Super Saiyan ng sampung beses kaya lang di naging blonde ang hair niya. Napa-atras ang gagong Pinoy. Sana may natutunan tayo mga bata. Wag makikipag-suntukan sa mga kaibigan. Lalo na kung singkit at di marunong mag-tagalog.

Yung kaklase ko naman na Koreana, yung english name niya ay 'Julie', medyo masalita siya unlike other Koreans, yung tipong sumasabay sa trip at sumasablay sa english niya. Nakakatuwa naman din kung paano sila kabilis matuto ng english kung kaya siguro malaki ang utang na loob sakin ni Julie. Demonyo din yun sa math at physics.

Aminado ako, sunod sa Japanese culture, gusto ko ng Korean culture.

Wala pa yang mga 'Koreanovela' sa GMA at ABS CBN ay nanonood na ako ng mga sitcom, drama at gameshows sa ArirangTV na napalitan na ngayon ng KBS World sa Home Cable.

Kung hindi mo alam ang channel na yun ay oras na para hanapin ito.

Ewan, pero natutuwa ako sa mga palabas ng Korean kahit noon pa. Medyo streotyped na pakinggan ito since puro Korean nalang pinapalabas ng mga networks kung kaya hanggang dito nalang ako.

BLIND ITEM FOR A TV SHOW:

ISANG 'SIKAT' NA TEEN SHOW NGAYON ANG ISANG RIP-OFF NG ISANG KOREAN SITCOM NA TINATAWAG NA 'NON-STOP', HINDI AKO MAKAPANIWALA KUNG PAANO NAGAYA ANG DORM, CLASSROOM, HALLWAYS, VENDING MACHINES, PROFS, UPUAN at mga KWARTO. PATI DESIGNS!!! PARANG PUMUNTA LANG SILANG KOREA PARA MAGSHOOT SA STUDIO!

ano pang inaantay niyo? Let's go!

Sa ngayon, may kaklase nanaman akong Koreana, Naomi ang english name niya. Seatmate ko siya sa isang subject. Naaliw akong kausapin siya kasi minsan nagsha-share siya. Tulad nalang daw ng meaning ng birthday niya, its called "Peru-Peru Day" daw sa Korea. Kung ano man yun ay hindi ko na inalam. Nakakatuwa din siya katext (oo, nakuha ko ang number niya). Ewan ko pero mukhang magaan lang ang loob ko sa mga Koreans. Isang araw ay natulungan ko ng husto yung kaklase kong ito. Madami akong natutunan sa kanya, maging siya ay ganoon din sa akin.

Kahapon, natanong ko sa kay Naomi ang tanong na bumabagabag sa akin.

Me: Hey, why is it that most of you Koreans are quiet?
Naomi: Eh, because we afraid to speak.
Me: Afraid of WHAT?!
Naomi: We afraid of speaking english.
Me: Oh, ok, but how will you all learn if youre not using it? Experience is the key to fully understand and apply the language. Dont worry, we Pilipino's are not really good at it. We wont laugh at your mistakes.

Nang matapos ang usapan, tinanong ko siya kung baka na-offend siya sakin. Hindi naman daw. Siguro medyo na realize niya din yun.

Matapos nun. Medyo kinaka-usap niya na ako di tulad dati na ako ang promotor ng kwentuhan.

I LOVE KOREANS.

di lang ako makapaniwala na meron na akong mga kapitbahay na Koreana.

SARANGI IPUDA KOREANS!!!

~ JLongboy