Monday, January 08, 2007

Eyeball sa Quiapo kanina! nakapunta ka ba? at kili kili matters...

Yes, walang pasok ngayon dahil sa parade of stars ni poong Nazareno sa Quiapo na malapit lang sa kolehiyo ko.

http://www.estanli.net/photo/index.php?showimage=365

i-click ang link para makakita ng picture sa tapat ng simabahan na puno ng tao. Maganda din tong site na ito.

Yey, masaya to, panahon para mag-blog at magpahinga, uminom ng extra joss at magyoyo buong hapon.

Meron lang akong hindi maintindihan, bakit kailangang mag grand eyeball ng ganoon kagulo yung mga devotees ng Poong Nazareno. Kunsabagay, bakit ko ba ito pinoproblema.

Sa ngayon, kasalukuyan akong niyayang pumunta sa Mall Of Asia. Pupunta kaya ako? Malamang hindi dahil tinatamad ako.


Nakakatawa nga pala dahil nakwento ko na pumila ako sa city hall para makapagregister at maging botante, ayoko talaga bumoto, hindi dahil walang kwenta ang iboboto kundi ayokong malagyan ng ink ang mga daliri ko sa araw ng botohan. Umalis ako sa bahay ng 3:30 AM. Kahit paniki tulog pa nun. Pero pinilit ko ang sarili ko para matapos na ang kalbaryo. Pagdating ko sa pilahan, yes! tahimik, ako yatang una, ngunit paglapit ko ng konti ay nadismaya ako. Nakahiga pala yung mga kawawang dun na natulog para lang mauna. Hindi naman ako nabadtrip dahil hindi gaanong mahaba yung pila at maikli yung shorts nung isang chikas dun. Meron ding umistorbo sa pagkaka-upo ko sa sahig. Di ko maintindihan kung bakit maraming lumagkit tumingin sakin ng umagang yun. Agad kong tinext isa isa ang mga alagad kong kasama sa pagpila para naman matapos na din sila.

Photobucket - Video and Image Hosting
TAHO, 4:30 ng umaga. Sulit. Mukhang ng maliwanag dahil sa Night Mode. lol


Photobucket - Video and Image Hosting
Yan ang pila sa loob, wala pa yung sa labas na ubod ng haba. Imagine from UST to FEU ang haba.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mapagbiro talaga si haring araw...



Photobucket - Video and Image Hosting
BASAHIN MO MAIIGI. Papaano pa makikita yan kung naapak-apakan na?...

------------------------------------------------

Maiba tayo, naging maganda ang start ng midterms para sa akin dahil noong prelims talagang tinatamad ako pero ngayon, ganadong ganado, bumibingo ako ng recitation simula pa last week. Sayang nga at 2 meeting na absent yung kaklase kong Koreana. Hahaha, balak ko pa naman magpa-sikat sa kanya.

Ewan ko ba kung kinalaman yung bagong gupit ko sa bagong performance level ko sa klase, yung tipong pag nagtanong yung prof ko, kahit wala pa akong sagot na naiisip ay bigla akong magtataas ng kamay at pag nakatayo na ko, dun ako iisip ng sagot. Suicidal nga ang dating eh, parang sugal.

Kahapon, masaya, lakas ng trip kasama ang mga taga-Munting Paraiso, isang samahan at tambayan sa FEU na matatagpuan sa Freedom Park. Dahil sa trip na yun, nagawa pa naming magpa-picture sa mga magagandang Tourism students... Na hindi namin kakilala.

Photobucket - Video and Image Hosting
From left: Imbek, Jet, Robert a.k.a Papa Piolo, Wawi, ako at J.R a.k.a Brownman.
Yung tatlong babae, si Jessa lang yung naalala kong pangalan... Siya yung nasa ibaba ko.

Photobucket - Video and Image Hosting
KAPAL ng mukha ko diba???

Photobucket - Video and Image Hosting
Here's Jessa trying my yoyo. ~.~

Photobucket - Video and Image Hosting
IMBEK = RECYCLABLE

Yan ang mga pinag-gagawa namin kahapon, worthwhile naman dahil mahaba ang vacant period ko. Imbes na magyoyo at pagpawisan, nangulit nalang.


Gusto ko din ipaalam sa inyo ang isang bagay. Basahin niyo muna yung pinakataas ng page na ito sa ibaba ng "MUNTING PARAISO" bago mo basahin ang sumusunod.

BAKIT AKO MAHILIG SA KILI-KILI NG BABAE?
- Yan din ang tanong na bumabagabag sa utak ko. Malamang yan ang hinahanap ko sa babae, yung malinis, hairless at mabangong kili-kili. Nag umpisa ang pagkahilig ko noong 3rd year high school ako. Nakita ko yung kili-kili ng crush ko, malinis, panalo, tapos sa iba kong klasmeyt, errr... ahh... umm... ahh... wala, basta, ayun. Simula nun. Kung yung iba, boobs, pwet, batok, bewang at paa ang pamantayan sa isang babae. Pwes, pinagmamalaki kong KILI-KILI ANG GUSTO KO!

PAANO KA NAKAKA-ISPAT NG KILI KILI SA PANG ARAW ARAW?
~ Ewan, may skills lang talaga ako, pag feeling kong mag aayos ng buhok yung babae or magrerecite, ha, siguradong huli ka! hahaha!!! Trip ko din yung pawis na kili kili na mabango, hahahaha! Minsan naman sa LRT/MRT, jeep at bus ako nakaka-ispot.

BAKIT SA DAMI-DAMI, BAKIT KILI-KILI PA?
~ HINDI KO DIN ALAM!!! Basta maganda ang kili-kili naiinlab ako.

SINO ANG MAY DA BEST NA KILI-KILI?
~ SI JINKY!!! hahaha! Sa tambayan namin, panalo lahat. Malinis. Sa ngayon ay magaganda ang nakikita ko. At yung nakilala ko sa debut, nahalikan ko yung keli-keli niya, nang ilang beses... ^.^

DA WORST NA KILI-KILI?
~ AYOKO MAALALA!!!

ANONG MADALAS MONG GAWIN SA KILI-KILI NG MGA KAKILALA MO?
~ Nilalagay ko yung hintuturo ko, ikikiliti ko, aamuyin ko. Pag basa, ok lang, di naman mabaho yung mga kaibigan ko.

------------------------------------------------------------

*note: sa babae ko lang ginagawa to, kadiri naman siguro pag sa kapwa lalake diba?

Sige, magpopost ulit ako maya maya...

0 comments:

Post a Comment

<< Home