Wednesday, January 17, 2007

Facts about my schooldays... *WARNING* MADRAMA!

Wala lang. Hulaan niyo kung sino siya. Nagulat ako ng nag-pose siya kaya kinuhanan ko nalang. ~.~


Photobucket - Video and Image Hosting
sa Netopia Morayta. Haha! Wala lang.


Bago ang lahat, bumili ako este binili ako ng magulang ko ng DiVi Cam. It stands for Digital Video Camera. (Para sa ignorante...) lol.

Isa lang ibig sabihin nun, matutuloy na namin ni pareng Jet ang short films namin. At may artista na akong babae! yeah boi! Makakagawa na din ako ng yoyo video clips ko at mga ka-Flip Spin member ko. Mahahasa ko na rin ang video editing skills ko. Wahaha! Magagamit ko na din to ICT subject namin kung saan kailangan naming gumawa ng super short film. Two minutes. Eh kung mag-intro pa naman ako eh lagpas ten minutes. Kailangan talagang iklian ng husto ang ideas.

Anyway, eto yung pics ng cam. Creative DiVi Cam 525D


Photobucket - Video and Image Hosting
Inner box.

Photobucket - Video and Image Hosting
Outer Box

Photobucket - Video and Image Hosting
Yeah. Fold...

Photobucket - Video and Image Hosting
I love the size and shape. Really compact.

Photobucket - Video and Image Hosting
Covered lens. Flash. Remote sensor. Haha!!!

Photobucket - Video and Image Hosting
Sweet. Inverted fold ng LCD screen.

Ayun. Share lang.

*nga pala, kaya may cord, kasi china-charge ko. ^.^

--------------------------------------------------------------------


Naisipan kong gumawa ng ala - short history tungkol saking pagakabata...

NURSERY - Natuto akong maki-salimuha sa kapwa bata, hindi ako pala-labas ng bahay, wala akong ibang kaibigan kundi ang mga kaklase ko at yung janitor na si kuya Cesar na hanggang nagyon ay janitor pa rin sa aming school. Nahihiya akong maghubad ng sando pag binibihisan ako ng yaya ko sa school. Ayokong nakikita ang nipples ko, ayokong may twalya ako sa likod at higit sa lahat, ayokong pinagnanasahan ako

Kinder- Nagka-crush ako sa grade 1 yata yun. Kristine pangalan niya, sinulatan ko siya ng love letter sa tulong ng mga ka-brad kong malalakas sa chicks. Gamit ang isang stationary paper at Jumbo pencil, ito ang pinahayag ko.

"Kristine, gusto kita, sana okey lang, alam ko namang may gusto ka sakin..."

Makalipas ang ilang oras, mistulang bumalik sa bag kong may gulong ang sulat. Nakita yun ng nanay ko tinago, malamang natuwa siya sa stationary na ginamit ko.

Prep - Crush ko yung teacher kong si Mam Ellen, hinalikan niya ako sa first at last day ng school kung saan siya din ay umalis. Sayang, hindi ko nakuha yung number niya.
Natuto din akong manakit ng kapwa ko kaklase, naging presidente ng klase.

Grade ONE - Paborito ako ng teacher ko at paborito ko din siya, quits lang. Sakitin ako noon at laging namumula ang pisngi ko, dahil lagi akong nasa ospital na kukurot ng magagandang nars. Sanay na akong ma-injectionan sa braso at kamay. Kahit tulog ako pwede mo ubusin ang dugo ko.

Grade TWO - BADTRIP AKO SA TEACHER AT BADTRIP DIN SIYA SAKIN. Quits lang.

Grade THREE - Gusto ko yung teacher at gusto niya din ako. Si mam Tina, naging parte ng paglaki ko, salamat sa gabay at maliligayang sandali. Naging friendly ako pagdating ng grade three, may schoolmate kaming malaki ang boobs, hindi ko pa maintindihan yun dati pero hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ang mga kaklase ko dun. Inakala ko lang yun na bilbil niya na mataas ng konti.

Grade FOUR - CRUSH KO YUNG TEACHER KO AT CRUSH NIYA DIN AKO. Hindi yun quits, may asawa na siya.

Grade FIVE - Yung teacher ko, mas matanda pa sa karwahe ni Rizal. Malamang ay kasama siya mga pumunit ng sedula noong panahon ng mga Dinosuars o Lapu Lapu. Ok naman sana siya pero sana lang mas bata yung naging teacher namin. Nakakatawa pa yung klasmeyts ko kasi, laging siyang inaalok ng *'CHOKESLAM' dahil sa pag-aakalang isa yung chocolate bar. Isang araw, nahuli ko siyang kinakalkal ang sariling ilong. Feeling ko nanood ako ng ilong na na-gang rape.

*ANG CHOKESLAM AY PANAPOS NA 'MOVE' NILA KANE AT UNDERTAKER SA WWE.


GRADE SIX - *same as grade two. ~.~

HIGH SCHOOL? eerrr...

*note: noong panahon na ito, wala pa sa GMA at ABS CBN ang mga Koreanovela.

First year - Nag-aral ako kung saan madaming Koreano at Koreana kahit saan ka tumingin. Pwede mo lagyan ng chapa ang mga balikat namin. Hindi sulit ang tuition dun. Na-inlove ako sa Koreana...

Pag finals kasi doon, naka-shuffle kami, kaya suntok sa buwan pag may kaklase ka sa room na naka-assingn sayo. Nagkataong Koreana yung nakatabi ko, sabi ko, jackpot, hindi ko muna tiningnan yung kili-kili para hindi naman ako madismaya. Pagkaraan ng ilang segundo, hindi ko parin sinilip yung kili-kili niya nung tinaas niya yung kamay niya, pero nahulog yung ballpen niya, pinulot ko. Inabot ko sa kanya, kinilig ako sa nangyari pero hindi ko pinahalata. Mas maganda pa siya sa lahat ng Koreanang nakikita mo sa Korena-novela sa TV. Basta, iba talaga. Ayoko na nga siyang i-consider na tao eh. Mabalik ako, bigla niya akong kinausap... Lagyan niyo ng Korean accent ha?

Susan (English name): Ken yu herp mi un dis test?
Ako : Syet, madali lang yan, este, Sure, just dont let the teacher notice us.
Susan : Ok, here's my paper. ( Inayos ko na, para maintindihan...)
Ako : My test is math, here's my paper, no erasures ok?!!
Susan : Ok, dont worry.

Kung hindi ba naman ako sineswerte, eh 'SPECIAL FILIPINO' pala yung subjects niya, yung tipong ilalagay ko yung english version ng "Tumatae ako, iabot mo ang sabon na nasa garahe..." o kaya yung "Naiihi ako, nasaan ang pinakamalapit na MMDA Urinal?"

Sa sandaling yun ay wala pang MMDA Urinals. At sabon sa garahe.

Yun, nilagay ko ang English ng mga yun. Ang mahirap na part ay yung pag-gaya sa penmanship nya. Habang siya, tumutulo ang pawis sa Math.

Naging intersado din ako sa Korean Culture.

BLIND ITEM:
Naging best friend at classmate ko ang sikat na child actor noong araw at sikat na bading na siya ngayon. Walang hiya, bading pala ang gaga. lol Hulaan niyo kung sino siya!!!

Second year - Bumalik ako sa school ko noong elementary, for short, its like going back to hell! Basura, walang kwenta. Ito ang pinaka-walang kwenta sa high school ko.

Third Year - Naisipan kong maghanap ng bagong school, hindi kalakihan ang bagsak ko pero ok naman siya kaysa sa impyerno. Natuto akong maki-salimuha sa ibat ibang klaseng tao, nakilala ako ang wide variety ng tao, kumbaga sa salad bar, marami kang pwede pagpilian at pwedeng ayawan. Walang problema, natutunan ko na mas masarap ang salad pag madaming mayo, at pag hinalo ito maiigi.

Yung mga kaklse ko, tinuring kong mga kapatid, astig sila, kanya kanyang trip, walang teacher's pet, walang corny, walang kj, walang bungangera, walang maingay. Wala ang mga bagay na ayaw ko. Marami akong nakasabayan ng trip, kwela lahat ng kaklase, may abnoy, may mukhang galing sa rehab, sa ilalim ng lupa at kung saan pa.

Fourth year - Basura ang JS Prom. Heartbroken, depressed, adik ako, pero hindi sa droga, adik sa solusyon sa problema.

Kung mapapansin, wala akong nabanggit tungkol sa naging girlfriend ko dahil...
NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH PO AKO.

Gusto ko na magkaroon.
GUSTONG GUSTO!!!


~ kaka-antok na... waaah...

5 comments:

Anonymous Anonymous said...

Hello! Isang magulo at halu-halong comment:

Errr... LA Lopez??? Haha. O yung apo ni Inday Badiday? Kung mali, tatanungin ko si Jena. Sayang, tulog na kasi. Mas showbiz yun. Hehe.

Hay. Ansaya balikan yung past. Peste kasi ang college... T_T

Haha. Mabuhay ang single!

Have a nice day! ^_^

12:35 AM  
Anonymous Anonymous said...

waaa.. kainggit! sana ako din meron!..

ok lang yan dude.. parepareho lang tayo ngf-sb, ako din eh. althou nagkaroon na last year.. so yun.. goodluck!

- stanislao

10:39 AM  
Blogger JLongboy said...

chel> hekhek! salamat po, ilalagay ko nalang sa tagboard mo yung sagot. para ma excite din yung iba, ahihihi!!! nakakaloka! este, aaahhh, err...

stanislao> dude! hehe, oo nga eh, hopefully magkaroon na this year! Apir tayo dyan! Nagastos ko yung pambili ng Takeshi Fh2, kainis... huhu!

5:20 PM  
Anonymous Anonymous said...

Pwede ko bang gayahin to? Mukhang masaya...

2:28 PM  
Blogger JLongboy said...

which one?

10:25 PM  

Post a Comment

<< Home